ABS-MA 6

11.3K 317 7
                                    

TULALA lang ako simula pag-alis kaninang umaga sa hotel hanggang sa makarating sa apartment ko, sumalubong sakin si Chichi kaya naman napabaling ang tingin ko sa kanya at umupo para mapantayan ito.

"Chichi..." malungkot na saad ko

Masakit pa rin ang ibabang bahagi ng katawan ko kaya naman pinagtitinginan ako ng mga tao kanina nung paglabas ko ng hotel hanggang sa makarating dito sa apartment. Binuhat ko si Chichi at iika-ikang naglakad patungo sa sofa.

"Hindi ko alam kung tama ba itong tinanggap kong trabaho Chichi." bulong ko at kumahol ito.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan iyon, naka-power off pala. Nanlaki ang mata ko pagkakita sa maraming missed calls ni Chescka, meron ding messages na galing sa kanya at sa unknown number tapos may message na galing kay Mikael.

Chescka:

'Bobita! Saan ka na naman nagpunta?!'

'Why is your phone turned off, Mazey'

'Uuwi na tayo, where are you na ba?'

'Maze I'm getting worried na, asan ka na ba?'

'What the hellin' shit, Mazey Zamora? Ngayon na ba ang trabaho mo kay Mikael?!'

That was her final message, and I responded by saying that I would go to her house later and tell her what happened. Sunod kong in-open ang message ng unknown number, it was only one message.

Unknown number:

'Mazey! Hinahanap ka na ni Chescka, uuwi na daw kayo. Asan ka na girl?'

Napakunot ang noo ko, is this Keifere?

Me:

'Keifere?'

Sunod kong binuksan ang message ni Mikael.

Kuya Sungit:

'Tell me when you've had your ob-gyne checkup, or do you want me to refer you to a doctor I know?'

Napanguso ako at binaba ang cellphone tsaka pumasok sa kwarto para maligo. After I take a bath, nakatulog na agad ako.

Alas-kwatro na ng hapon ng magising ako. Tinext ko si Chescka para sabihin na magsi-sleep over ako sa bahay niya at isasama ko si Chichi, pumayag naman siya kaya nagkilos na ko ng mga gamit at nagpalit ng damit.

Pagdating sa bahay ni Chescka ay agad niya kong hinila patungo sa loob ng bahay nya at pinaupo sa sofa pagkatapos ay dinuro ako.

"What happened last night?!" masungit na tanong niya.

Bumuntong hininga naman ako at nilapag si Chichi, hinayaan ko siyang mag-gala sa sala ni Chescka. Ngumuso ako at naiiyak na tumingin sa kanya.

"It's already gone, Ches." naiiyak na sabi ko sa kanya.

Chescka gasped and stood up.

"Omg girl!"

Tumango-tango ako habang pinapahid ang umalpas na mga luha sa mata ko. Umupo ulit si Chescka sa tabi ko at pinag-krus ang mga braso sa ibaba ng dibdib niya.

"Well..." ngumiti ng malaki si Chescka at tinaas-baba pa ang mga kilay kaya nagtaka ako sa inasta niya "Should I formally welcome you to the club?" tumawa siya ng malakas pagkasabi nun kaya naman napanguso pa ako lalo at hinampas siya sa braso.

"Chescka!"

"Okay, okay. I'll stop." sabi niya at tumigil sa pagtawa. "Pero masarap?" tanong niya ulit kasabay ng pagtawa kaya naman inirapan ko siya at kinurot sa tagiliran kaya napatayo siya.

MIKAEL ARCILLANO | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon