IT'S been a week before the Christmas season. Ilang buwan na rin akong nakatira kasama si Mikael sa condo niya, at ang masasabi ko lang ay maayos ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Hindi na siya yung Mikael na unang kinausap ko sa bar na hindi ako pinansin, sinungitan pa ako. Pero, hindi ko pa rin alam kung ano kaming dalawa, kung patuloy pa rin ba yung kontrata o balewala na lang yun? Hindi naman namin napag-uusapan at wala rin siyang balak na i-open yung topic na yun.
"Saan pala kayo sa Christmas break?" tanong ni Janny habang umiinom ng kape.
Nandito kasi kami sa coffee shop malapit sa kumpanya, alas sais na ng gabi at mago-overtime kaming tatlo dahil sa dami ng trabaho dahil malapit na ang December.
"Ako? Uuwi ako sa Samar, bibisitahin ko sila nanay dun. Baka isama ko na rin si Wil para mapakilala na kila nanay at tatay."
Ang nanay at tatay na tinutukoy ni Tali ay yung lola at lolo niya na nagpalaki sa kaniya simula nung baby pa siya. Wala na raw kasi siyang nakagisnang magulang habang lumalaki siya, tanging lolo at lola niya lang.
"Ikaw Mazey?"
"Baka dun ako mag-celebrate ng pasko kila Chescka."
Speaking of Chescka... Nabisita ko na siya last month at sobra akong nagulat sa mga nalaman ko. Sobra rin akong nagalit kaya muntik ko na sugurin si Keifere.
"Hindi ka magpapasko kasama si Mr. Arcillano?" tanong ni Tali
Umiling ako at kinunotan siya ng noo.
"Ba't naman kami magce-celebrate ng magkasama?"
"Kasi mag-jowa kayo?"
"Hindi kami mag-jowa." umiwas ako ng tingin sa kanila. Hindi kasi ako kumportable lalo na 'pag pinag-uusapan yung status namin ni Mikael na hindi ko naman alam din kung ano talaga.
Bumalik na kami sa office at nagpaka-busy sa trabaho matapos magkape. Ilang oras ang ginugol ko sa trabaho hanggang sa matapos din ako. Nag-inat ako at sinimulan ng magligpit nang gamit.
Pagkatapos ay lumabas na rin ako at nakita sila Tali at Janny na nasa labas na rin, sa harap ng elevator. Tinawag ko sila at sabay-sabay na kaming bumaba. Halos marami pa rin ang tao sa kumpanya dahil parang lahat kami ay nag-overtime ngayong araw.
"Malapit na pala birthday ni Mr. Arcillano, diba Mazey?" biglang tanong ni Janny habang naglalakad kami palabas ng building.
Kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya.
"Birthday? Kailan?"
"Girl, hindi mo alam?" hindi makapaniwalang tanong ni Tali.
"Hindi eh, di naman siya nagbabanggit."
"Sa December 15, next next week." sagot ni Janny.
Tumango ako at nag-isip kung anong araw na ngayon. Makakapaghanda pa ako ng pwedeng iregalo sa kaniya.
"Basta pag-papainom kayo Mazey damay niyo kami ha? Always G kami ni Wil." tumataas-taas ang kilay na sabi ni Tali.
Nauna ng sumakay sila Tali at Janny dahil magkalapit lang naman sila ng lugar. Ako naman pumara ako ng taxi papunta sa condo ni Mikael ilang distansya lang mula sa kumpanya. Hindi niya na kasi ako pinapayagang sumakay sa public transpo kahit na pinipilit ko siya na ok lang at mas makakamura ako, ayaw niya pa din. Gusto niya pa nga akong bilhan na lang ng sariling sasakyan, inayawan ko lang. Aba, anong gagawin ko dun eh hindi naman ako marunong sa ganun.
Pagkarating ay umakyat na ako agad at dumiretso sa condo unit ni Mikael. Napahinto pa ako ng makapasok dahil sa boses na naririnig mula sa kusina. Nandito na ba siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/123202991-288-k297317.jpg)
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
Ficção Geral[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...