WHEN we arrived at their private resort here in La Union, my mouth hung open. Sobrang ganda. That's all I can say when I get out of the van.
"Maze tara na sa room natin para makapagbihis tapos picture picture tayo dun!" turo ni Chescka sa tabing dagat.
We arrived at eight o'clock in the morning. Some of Dandreb's friends have already entered the hotel, but others, including myself, Ches, Keifere, and Dandreb, remain outside.
"You can choose any room in the hotel because we closed the resort for the celebration." sabi ni Dandreb at bahagya itong lumapit sa gilid ko.
"Really? Your resort is so nice, huh? Maybe I'll come back here next time." nakangiting sabi ni Chescka at tinapat ang cellphone nito sa may dagat para kuhaan ng litrato yun. Kinuha ko na yung maleta ko at binuhat na din si Chichi tapos naglakad na papunta sa hotel.
"Let me help you with that." Dandreb said, kinuha niya yung maleta ko at siya na mismo nagtulak nun. Dumiretso kami sa elevator at gaya ng sabi niya kanina ay kami na daw mamili ng hotel room namin, and napili ko na lang na magsama kami ni Chescka sa iisang room.
"Omg! Ang ganda ng rooms nila dito. Instagramable girl." napalingon ako kay Chescka pagkapasok nito sa room namin at dala dala niya ang maliit na maleta niya tapos backpack.
"Hmm, pang-mayaman." sabi ko sa kanya at nilapag ang pagkain ni Chichi dahil nagutom ito sa biyahe. Pagkatapos kasi akong mahatid ni Dandreb dito sa room ay dumiretso na rin ito sa kabilang kwarto dahil dun daw ang room niya tapos sa tabi naman na room si Keifere.
"You know, I'm hungry na. Magbihis na tayo Mazey para makakain na sa baba." nilapag ni Chescka ang mga gamit niya sa sofa.
"Hindi ba muna tayo kakain bago magbihis?" tanong ko sa kanya
"Duh? Para di na tayo babalik pa dito, diretso rampa na tayo sa labas girl." sagot niya lang tapos may kinuha sa maleta niya at nilabas ang kulay pulang two piece nito. Itinaas niya pa yun at iwinagayway sa harap ko bago pumasok sa banyo, napailing na lang ako. Kumuha na lang din ako ng pamalit at inantay na matapos si Chescka sa banyo.
Pagkatapos ko magpalit ay nakita ko si Chescka paglabas ko ng banyo na nagme-make up. Napatingin siya sa repleksyon ko sa salamin, kumunot ang noo niya tapos mabilis na humarap sakin habang nakataas ang kanang kamay na may hawak na lipstick.
"What are you wearing?"
Sinuri ko ang suot ko bago siya tinignan ulit at sinagot.
"Bakit? Okay naman ah?" sabi ko at naglakad palapit sa gamit ko. I was dressed in a fitted white shirt and black shorts.
"Anong okay? Girl, beach 'to. Beach," umiling si Chescka at humarap ulit sa salamin. Nilapag niya ang lipstick at tumayo, naglakad ito palapit sa maleta niya at may nilabas na swimsuit. Hinarap niya yun sakin kaya binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.
"Papalit ka? Okay naman suot mo ah? Ang sexy mo nga eh." sabi ko tapos nilahad ko pa sa harapan ng katawan niya yung kamay ko.
"Gaga, ito suotin mo." hinila niya ko palapit sa banyo.
"Huh? Ano, ayoko." nagpupumiglas ako sa hawak niya pero tinulak niya lang ako papasok ng banyo.
"Oh come on Maze. Paano ka magkaka-boyfriend niyan kung super conservative mo?" irap ni Chescka.
"Bakit masama ba? Ayoko niyan Ches, di naman ako naggaganyan. Okay na 'to." sabi ko pero umiling lang siya at tinulak ako papasok.
"Please? Just give it a shot, okay? Sige kahit i-try mo na lang, I just want to see your curves, hmm?" she said this while pouting her lips. I sighed and shut the door. I don't have a choice. Try ko lang daw naman sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/123202991-288-k297317.jpg)
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
General Fiction[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...