ABS-MA 21

10.1K 287 3
                                    

(TW: This chapter is only suitable for mature audiences because it contains explicit language and instances.)





LUMABAS ako ng kwarto at humarap kay Nikolo, nandito na kasi kami ngayon sa condo ni Mikael dahil pinilit ko siya na magpahinga na lang. Nung una ayaw pa niya pumayag pero masiyado akong mapilit kaya wala na siyang nagawa.

"Salamat sa paghatid Nikolo." nakangiting sabi ko kay Nikolo, tumingin siya sakin nang walang kahit anong emosyong mababasa sa mukha.

"It's just for the boss,"

Tumango-tango ako at hinatid siya sa pintuan. Naglakad ito palabas at akmang isasara ko na ang pinto ng muli itong humarap sakin.

"You're not leaving?"

Nanlaki ang mata ko at onting napaawang ang bibig sa tanong niya, sheeet!

"U-uhm, b-babantayan ko muna siya. K-kasi diba, may lagnat alam mo naman, hehe."

Napakunot ang noo niya pero sa huli ay umiling na lang at umalis na. Napahinga ako nang malalim at pinikit ng mariin ang mata. Muntik na yun.

Bumalik ako sa kwarto at nakita si Mikael na mahimbing na natutulog. Lumapit ako at hinapo ang noo nito, medyo mataas pa rin ang lagnat niya. Tumayo ako at lumabas ng kwarto, nagpunta ako ng kusina at kumuha ng maliit na planggana para paglagyan ng malamig na tubig. Pagkatapos ay bumalik ulit ako sa kwarto bitbit yung plangganang maliit, nilapag ko yun sa nightstand table tapos nagpunta ako sa closet para maghanap ng bimpo.

Naupo ako sa gilid ng kama at sinimulang punasan ang braso ni Mikael.

"Naging instant yaya mo pa ko ngayon," mahinang bulong ko habang sinusundan ng tingin ang bimpo.

Nang matapos sa magkabilang braso ay bubuksan ko na sana ang buttones ng polo ni Mikael pero bigla akong natigilan at nag-dalawang isip.

Ano ka ba, Mazey? As if naman hindi mo pa nakita yung kabuuan ng katawan ni Mikael.

Pumikit ako at umiling-iling.

Tinanggal ko ang butones ng polo ni Mikael at pinunasan ang dibdib niya. Napatingin ako sa kaniya nang mahina siyang dumaing at kumunot ang noo pero agad din na bumalik sa mahimbing na pagkakatulog.

Nang matapos ay nilagay ko na sa noo niya yung basang bimpo at kinumutan siya. Humikab ako at nag-ayos ng sarili bago nahiga sa kabilang dulo ng kama.







Naalimpungatan ako ng maramdaman ang hindi mapakaling kung ano sa gilid ko. Minulat ko ang mata ko at nakita si Mikael na pawis na pawis at palinga-linga yung ulo sa kaliwa't kanan.

"No..."

Bumangon ako at tinapik siya.

"Mikael,"

"No, no, stop..."

Hinawakan ko ang noo nito at napangiwi dahil sa sobrang init nito. Hinawakan ko sa balikat si Mikael at mahinang inalog para gisingin.

"Mikael gising,"

Inalog ko pa siya at tinapik ang pisngi hanggang sa matigil ito sa bangungot niya at marahang dumilat ang mata. Hinihingal siya at sobrang pungay ng mata.

Nagtama ang mata namin, matagal at malalim, parang isa sa amin ay walang balak na magbitiw ng tingin. Napalunok ako at naramdaman ang pagbilis ng tibok nang puso ko kaya lumayo ako sa kaniya pero nanatiling nakahawak ang mga kamay ko sa balikat niya.

"B-binabangungot ka," bulong ko.

Hinihingal siyang pumikit at nilagay ang kanang braso sa ibabaw ng noo. Kinuha ko yung nalaglag na bimpo sa gilid gawa ng pagkabangungot niya kanina, nilagay ko yun sa planggana at aalis na sana ako ng kama pero hinawakan ni Mikael ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.

MIKAEL ARCILLANO | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon