AFTER ng shift ko ay dumiretso ako sa bahay ni Chescka dahil maaga pa naman at wala akong ibang gagawin sa apartment kundi pagmasdam si Chichi at manood lang ng tv.
"Hoy girl! Tulala yarn?"
Nilingon ko si Chescka nang biglang pumitik ito sa harapan ng mukha ko. Nagtataka siyang nakatitig sakin. Bumuntong hininga ako at binuka ang bibig para magsalita pero agad din tinikom kasi wala akong maisip na sabihin. Kinuha ko na lang yung shoulder bag ko at kinuha ang box ng necklace na binigay ni Mikael kanina. Binuksan ko yun at pinakita kay Chescka, nanlaki ang mata niya at agad na hinablot sakin ang box.
"Oh my ghad girl! A black onyx necklace!" manghang sabi niya habang hinahawakan ang pendant nung kwintas.
"Black ano?"
"Black onyx, one of the world's most beautiful and meaningful necklaces. Sino nagbigay sayo nito? Omg, don't tell me it's Mikael because I'll never believe it." nanatili ang tingin niya sa necklace habang sinasabi ang mga huling kataga.
"Well, siya nagbigay niyan."
Namilog ang mata at bibig ni Chescka at napatingin sakin.
"Oh my fuckin' what? He gave you this?! Seryoso ba? Is he inlove with you na ba?"
Kumunot ang noo ko at agad na umiling ng mabilis.
"Baliw, hindi mangyayari yun Ches, tsaka binigay niya lang yan kasi peace offering daw."
"Peace offering, hmm? Why? Did he do something to you?"
Kinagat ko ang ibabang labi at yumuko.
"Was that the day you came here crying?"
"B-basta, akin na nga yan!" inagaw ko sa kanya ang box at mabilis na inilagay sa bag at tumayo na. Bago pa man ako makaalis ay hinawakan ni Chescka ang palapulsuhan ko at pinaharap ulit sa kanya.
"I told you Mazey, wag kang magpapadala sa lalaking yan. He might shatter your heart. Kung may maramdaman ka mang kakaiba itigil mo na agad yung kontrata okay? I don't want to see you in agony. Please, no more, hmm?" seryosong sabi ni Chescka
Napakurap-kurap ako at marahang tumango. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at ngumiti sakin bago ako hinila para yakapin na agad ko din namang ginantihan.
It was eleven o'clock at night when I heard my phone ring. I was in the midst of a deep sleep at the time. I reached for my phone beside my bed and answered the phone.
"Hello?" I said huskily, my eyes still closed.
[I'm sorry if I disturbed you. ]
Binuksan ko ang kanang mata at tinignan ang screen ng cellphone. Si Dandreb pala.
"Hmm?"
[Are you asleep?]
Tumango ako na para bang nakikita niya ako, nanatili pa ring nakapikit ang mata at nakadapa habang nakagilid ang ulo at nakapatong ang telepono sa kanang tenga ko.
[Hindi ko na papahabain Mazey. I just wanted to remind you of my birthday party in La Union. Do you remember it? Aalis tayo at four a.m. on Friday.]
Humikab ako at tumihaya ng higa tapos marahang kinusot ang mata.
"Friday? Ano na ba ngayon?" bulong ko
[Wednesday]
"Ah, sige." hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Dandreb dahil nakatulog na lang ulit ako bigla dahil sa sobrang antok.
Kinabukasan, tanghali na ko nakapasok at di rin naman ako sinita ni Nikolo o di kaya ni Mikael so siguro okay lang naman. Ginugol ko ulit ang oras ko sa pag-aarrange ng mga papeles, kung hindi lang kumatok si Nikolo at sinabing mag-lunch break na ko eh hindi ko ata mamamalayan yung oras.
![](https://img.wattpad.com/cover/123202991-288-k297317.jpg)
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
General Fiction[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...