A/N: Sorry sa super duper late Update, naging busy lang sa Prelims :((
EXACTLY seven in the morning ako gumising para bumaba at kumuha ng pagkain para sa amin ni Miggy. Ayoko kasing ibaba ulit siya basta-basta, baka may ibang makakita sa kaniya.
"Where are you going Mommy?" nagkukusot ng mata si Miggy habang sinasabi iyon, nakahiga pa siya at nakaharap sa gawi ko.
"Kukuha lang ng breakfast si Mommy." tumango lang siya kaya ngumiti ako. Gusto sana akong samahan ni Tessa pero sinabi ko na lang na bantayan si Miggy tutal gising na rin naman ang anak ko.
Tahimik sa hallway habang naglalakad ako papunta sa elevator, hanggang sa makasakay ako ay tahimik pa rin dahil ako lang mag-isa. Ako pa lang ata ang gising. Mamayang five ng hapon ang kasal ni Lyndon at Aenha kaya mahaba pa ang oras nila para matulog.
Nang makababa ako ay dumiretso na ko sa restaurant dito sa hotel at umorder ng pagkain para ipadala sa room namin. Pagkatapos ay lumabas na rin ako at naglakad pabalik sa elevator. Habang nakatingin ako sa cellphone ko at binabalik ang wallet sa bulsa ay may nabunggo ako.
"Sorry po." sabi ko at inangat ang tingin. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nakabungguan ko. Maging siya ay nanlaki ang mata nung makita niya ako.
"You're here?" bulong niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin.
Marahan akong tumango at inayos ang sarili. Bigla kasi akong kinabahan at bumilis ang pintig ng puso ko.
"Lyndon invited me." sabi ko sa kaniya.
Tumango siya at yumuko, narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago muling inangat ang tingin at binigyan ako ng tipid na ngiti.
"So, enjoy your stay here." yun lang ang sinabi niya at diretso na siyang naglakad papasok ng restaurant na pinanggalingan ko kanina. Bumuntong hininga ako at mariing pinikit ang mata.
Pagkalabas ng elevator ay nakita ko si Chescka na kakalabas lang ng kwarto nila at humihikab pa habang nakahawak sa malaking tiyan.
"Good morning." bati niya ng makita ako, nginitian ko siya at lumapit sa kaniya.
"Aga magising ah." agad na sabi ko pagkalapit ko.
"Maaga kasi ako nakatulog kagabi. Ikaw sa'n ka galing?"
"Nagpadala ako ng breakfast, gising na rin kasi si Miggy."
Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.
"Samahan mo 'ko maglakad sa labas, gusto ko maglakad-lakad."
Napaisip ako at tinitigan muna siyang mabuti, baka makasalubong ko na naman ulit siya.
"Uhm..."
"Bakit? Ayaw mo ba?" nagdadramang sabi ni Chescka habang ngumunguso pa.
"Hindi, ano kasi...Nakabungguan ko si Freya kanina sa baba." mahinang sabi ko sa kaniya. Napaawang ang labi ni Chescka at nagtakip pa ng bibig habang nanlalaki ang mata.
"Omg, they're here na?"
Nagkibit-balikat ako. Ano bang malay ko sa kanila, wala naman na akong pake.
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
Ficção Geral[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...