KAGAT-KAGAT ko ang kuko habang pabalik-balik ng lakad dito sa sala habang inaantay ang pagdating ni Mikael. 11pm na pero hindi pa rin siya nakakabalik, ang sabi niya sa'kin 10.
Mabilis na napatingin ako sa pintuan ng tumunog yun at pumasok si Mikael na mapungay ang mata. Napatakbo ako papunta sa kaniya nang sumandal ito sa pader at naa-out of balance pa.
"Mikael, anong nangyari?"
Tumingin siya sa'kin ng matagal. Pero nagulat ako ng alisin niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at naglakad ng marahan papasok sa kusina.
Lumapit ulit ako sa kaniya at inalalayan siya pero mabilis niya rin itong tinanggal.
"Mikael, ano ba 'to? Bakit ka lasing? Ang sabi mo sa meeting ka pupunta."
"Shut the fuck up." napapikit ako at nakagat ang ibabang labi sa lamig ng tinig ng boses nito.
Kumuha pa siya ng bote ng alak at nilagok yun nang dire-diretso. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at inagaw ang bote.
"Tama na. Ano bang problema mo ha? Pwede mo naman sabihin sa'kin." mahinahon na sabi ko habang nilalapag ang bote sa lamesa.
Nakasunod ang tingin niya dun, pagkalapag ay bumalik ang tingin niya sa'kin.
"It's none of your business. Leave." tinulak niya ako pero hindi ganun kalakas para matumba ako. Muli niyang kinuha ang alak at ininom yun. Napabuntong hininga ako ng malakas at inagaw ulit ang bote pero ayaw niyang alisin sa bibig niya, mahigpit pa ang pagkakahawak kaya naman hinugot ko lahat ng lakas ko para maagaw yung bote at tumilapon yun sa sahig.
Parehas kaming nakatingin sa basag na bote at natapong alak.
"Look at what you've done." nilingon ko siya.
"Sabihin mo sa'kin, ano bang problema mo Mikael? Bakit nagkakaganyan ka bigla?" umabante ako ng kaunti para mahawakan siya sa braso pero marahas niyang winaksi iyon.
"I told you it's none of your business, so get lost!"
Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. May problema siya, nararamdaman ko. Hindi siya magiging ganito kung wala.
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at marahang tumango.
"Okay, punta na ako sa kwarto. Sumunod ka na lang." tumalikod na ako at naglakad patungo sa kwarto.
Kinabukasan nagising ako na walang katabi sa kama. Hindi man lang nagusot ang kutsyon ng pwesto ni Mikael.
Lumabas ako at nakitang wala rin siya rito. Pumunta ako sa kusina at tanging naabutan ko lang ang basag na bote ng alak na tumilapon mula sa kamay ko. Lumapit ako dun at sinimulang pulutin ang mga bubog.
"Clean the guest room when you're done." nagulat ako kaya naman dumaplis ang balat ng daliri ko sa matulis na bubog ng bote.
Nakangiwing nilingon ko si Mikael at walang emosyong nakatingin lang ito sa'kin. Bumaba ang tingin niya sa dumudugong daliri ko.
"H-hindi ka ba mag-aalmusal?" umayos ako ng tayo, hawak pa rin ang daliring dumudugo.
Hindi sumagot si Mikael at walang sabi na lang itong umalis kaya hinabol ko siya.
"Mikael!"
Hindi siya lumingon pero huminto siya sa paglalakad palabas ng pinto, hawak na niya ang doorknob.
"S-sabi mo kagabi, pag-uusapan natin yung tungkol s-sa'tin..."
Matagal bago niya ito sagutin, akala ko nga hindi na niya sasagutin pa pero nanlumo ako ng marinig ang sagot niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/123202991-288-k297317.jpg)
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
General Fiction[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...