ABS-MA 20

10.2K 273 3
                                    

TAWA ako nang tawa habang kumekembot at nakatingin kay Mikael na walang emosyon ang mukha.

"Sige kuya Sungit, ikendeng mo pa!"

Naiiritang pinatay ni Mikael ang tugtog sa cellphone tapos matalim na tumingin sakin.

"Stop,"

"Bakit? Sabi mo sakin make you happy, di ka ba naging masaya?" nagtataka ko siyang tinignan at napakamot lang sa noo si Mikael tapos malakas na bumuntong hininga at hinawakan ang kamay ko.

"Let's sleep; it's already past midnight."

Nagpahila na lang ako sa kaniya sa kwarto pero bago pa man niya masara ang pintuan ay pinigilan ko siya.

"Wait! Yung cellphone ko kukunin ko lang." tumakbo ako patungo sa salas at kinuha ang cellphone sa bag ko na nasa ibabaw ng sofa. Tumakbo ako pabalik at malawak na ngumisi sa nakabusangot na mukhang si Mikael. "Okay na..."

Pagkapasok sa loob ay nahiga na si Mikael at ako naman ay nakaupo pa rin, sinilip ko siya tapos ay tinuon ang tingin sa telepono ko. Tatawagan ko muna si Chescka. Dinial ko yung number ni Chescka pero napakunot yung noo ko dahil walang sumasagot, kilala ko si Chescka, pag may tumawag sa kaniya sasagutin niya agad yun. Tinawagan ko pa ng ilang beses si Chescka pero wala talagang sumagot kaya napabuntong hininga ako at nag-aalalang tumingin sa screen ng cellphone. I-tetext ko na lang siya...

Nahiga na ako patalikod kay Mikael at pinikit ang mga mata para makatulog.






Kinabukasan ay naging busy ako sa mga papels sa kumpanya, hindi na rin ako nakapag-lunch break at parang mag-oovertime din ako ngayon.

Humikab ako at inunat ang mga braso.

"Hoy, di ka pa uuwi?" napatingin ako sa pintuan at nakita si Tali na pumasok kasunod si Janny na nakain ng chichirya. Umiling ako at nginuso yung mga papeles na nasa lamesa ko.

"Ay wow, piyesta ka sa trabaho girl ha."

"Baliw, baka mag-overtime ako ngayon, tatapusin ko na muna 'to para wala na 'kong masiyadong gagawin bukas." tumango-tango si Tali, maya-maya pa ay nagpaalam na silang dalawa sakin. Aayain pa sana ako ni Tali na kumain sa labas kahit saglit pero humindi na lang ako.

Bumalik ako sa pag-asikaso sa mga papeles at hindi na pinansin pa ang oras.

Napabalikwas ako at napamulat ng mata dahil sa may kumatok sa mesa ko.

"You can go home now, Ms. Zamora." kinusot ko ang mata at nakitang si Nikolo pala iyon. Tumingin ako sa orasan at alas-diyes y media na pala. Nakatulog na rin ako ng hindi namamalayan.

"S-sige, salamat." mahinang sabi ko at lumabas na si Nikolo, nagligpit na rin ako ng mga gamit bago umalis ng opisina.

Ako na lang ata mag-isa dito sa kumpanya, nakakatakot naman. Ang dilim.

Mahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko habang nakatingin sa itaas ng elevator, pinapanood ko lang ang paglipat ng numero mula roon. Pagkabukas ay mabilis akong naglakad palabas ng building.

"Pst."

Napatigil ako at lumingon pero walang nakita ni anino ng tao kaya naman nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad at mas binilisan ko pa dahil sa takot.

"Pst."

Hindi ko yun pinansin at lakad takbo akong pumunta sa may poste ng ilaw.

"Grabe ka naman makatakbo, para kang hinahabol ng multo."

"Ay puke ng palaka!" napahawak ako sa dibdib ko at nanlalaking mata na napatingin sa nagsalita. Tumawa ito at nanliit ang mata.

"What?" huminga ako ng malalim at hinampas siya sa balikat gamit ang shoulder bag ko, napaatras siya habang tumatawa.

MIKAEL ARCILLANO | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon