HUMIKAB ako at nag-inat matapos kong maayos lahat ng papeles na inabot ni Nikolo dito sa opisina ko kanina. Napatingin naman ako sa wall clock sa ibabaw ng bookshelf at nakitang pasado alas siyete na pala ng gabi.
Hindi ko na pinansin yung oras dahil mas pinili kong tapusin ng mabilisan itong mga papeles, sila Tali at Janny naman ay dumaan kaninang alas singko dito para ayain sana akong kumain sa labas pero tinanggihan ko muna dahil kailangan kong tapusin ito lahat.
Kinuha ko yung cellphone ko at binuksan iyon para i-text si Chescka at tanungin kung kamusta na ba si Chichi, sa kanya ko kasi iniwan si Chichi bago ako pumasok sa trabaho. Ibaba ko na sana ang cellphone ko ng tumunog yun at nakitang tumatawag si Mikael. Agad ko namang sinagot at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan, ngayon ko na lang kasi ulit siya makakausap simula nung makauwi kaming Manila.
"H-hello?"
[Come to my office right now.]
Binuka ko ang bibig para magsalita pa pero agad na pinatay ni Mikael ang tawag kaya naman ngumuso ako at padabog na nilapag ang cellphone.
"Nyenye, di man lang ako pinagsalita. Manigas ka dyan kakaantay."
Tumayo ako at kinuha ang mga gamit tapos ay lumabas na ng opisina.
"Anong kailangan mo?" kunwaring masungit na tanong ko sa kaniya.
Nag-angat siya ng tingin nang makapasok ako sa malaki niyang opisina at biglang nagsalubong ang makapal na kilay.
"I thought Nikolo was joking when he said you were still here."
"Huh? Bakit ka magtataka diyan eh yung secretary mo nagbigay sakin ng madaming gawain."
Umiling siya at sinara ang laptop na nakaharap sa kanya dahil pagdating ko kanina ay parang may inaasikaso ito at nakatutulog lang sa laptop niya.
"Bakit mo nga ako pinatawag?"
"Tss, can you just move closer here before asking questions?"
Lumapit ako at pumwesto sa gilid niya, nakaupo pa rin siya kaya naman nag-angat ito ng tingin para makita ako.
"Oh ayan na, ano ba kailangan mo? Kung pinapunta mo lang ako dito dahil miss mo ko, eto na ako. Ano ba gusto mo kiss?" pumikit ako at ngumuso tapos medyo yumuko pa ako para malapit sa mukha niya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mikael kaya mabilis kong minulat ang mata ko at nanlalaki pa itong tinignan siya. What the, nag-mix na ba ang pacific at atlantic ocean kaya tumatawa itong kumag na toh?
Napaawang ang labi ko at napansin niya siguro ang reaksyon ko kaya mabilis niyang binalik sa pagka-masungit yung itsura niya.
"Let's eat. Dinner."
Uy inaaya ako ng date.
Joke!
"S-san?" umayos na ako ng tayo nang tumayo siya at tinanggal ang suit na suot nito, ngayon naka-polong blue na lang siya, tinanggal niya din ang necktie at dalawang butones sa itaas ng polo.
"Where would you like to eat then? This is my treat after all."
"B-bakit mo ko inaaya? Kasama ba toh sa deal?"
Natigil sa pagkilos si Mikael at ilang minutong walang nagsalita sa aming dalawa kaya naman nabalot ng katahimikan yung opisina niya pero bigla na lang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko yun at tinignan kung sino ang nag-text.
Dandreb:
'Let's watch a movie now. Tuloy natin yung plano natin just like what we've talk about in La Union. :)'
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
Fiksi Umum[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...