NGUMITI ako at kumaway pagkababa ng sasakyan. Nakabalik na kasi kami ng Manila at may sumundo samin na van, pinatawag pala ni Dandreb.
"Thank you ulit!" nakangiting sabi ni Chescka.
Pagkaalis ng sasakyan ay pumasok na kami sa loob ng bahay ni Chescka. Buhat-buhat ko si Chichi habang tulak ang maleta ko.
"Haynako, nakakapagod!" sabi ni Chescka at pabagsak na umupo sa sofa.
"Okay lang yan, nag-enjoy ka naman." sabi ko habang nilalapag si Chichi at naupo ako sa tabi niya.
Ngumisi nang nakakaloko si Chescka at tumingin sakin.
"Parang ikaw yung mas nag-enjoy sa bakasyon, Maze..."
Pinanlakihan ko siya ng mata at hinampas ng unan dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko din na pinamulahan ako ng pisngi kaya agad kong niyakap ang unan na pinanghampas kay Chescka at sinubsob ang mukha roon.
Napaangat lang ako ng ulo dahil sa malakas na hampas ni Chescka sa braso ko kaya naman napanguso ako at sinamaan siya ng tingin.
"Impakta, mag-kwento ka. Anong nangyari sainyo ni Mikael 'ha?"
Dali-dali kong tinanggal ang sapatos ko para maitaas ang dalawang paa sa sofa. Humarap ako kay Chescka habang naka-indian seat tapos yung hawak kong throw pillow ah nilagay ko sa kandungan ko.
"Alam mo Ches, ang weird eh."
"Anong weird?"
"Eh diba alam naman natin na masungit tsaka di namamansin yun si kuya sungit? Tapos di pa madalas magsalita. Pero nung nasa La Union tayo, iba eh."
Tumaas ang kanang kilay ni Chescka at napakurap-kurap.
"Wait wait, so you're saying he acts the opposite of what he actually does?"
Tumango-tango ako sa kanya.
"Hmm, di ko ma-imagine. Identify mo nga, kwento na kasi dali!"
Bumuntong hininga ako at tinaas ang kanang kamay kaya napatingin siya dun at kumunot ang noo niya. Binaba ko ang apat na daliri at tanging hintuturo lang ang iniwan.
"Una, nung dumating siya sa La Union. Diba siya yung naglagay ng sunblock sa likod ko. Diba? Diba?"
Napasinghap si Chescka at napatakip sa bibig habang nanlalaki ang mata at tumatango-tango kaya napapatango-tango din ako, pero agad bumalik ang ekspresyon ni Chescka kanina kaya napakunot ang noo ko. Abnormal.
"I know that, and I also find it strange, because nag-presinta pa siya na siya na lang yung mag-la-lagay, which is super unbelievable right?"
Tumango ako at habang nilalaro ang labing nakanguso.
"Anong pa?"
Tinutok ko naman sa mukha niya ang peace sign sa kamay.
"Pangalawa, ay wait nga lang."
"What?"
"Kailangan ko pa ba talaga isa-isahin sayo lahat ha?"
Umirap si Chescka at tinanggal ang bracelet niya, nilagay niya yun sa may maliit na table sa harapan.
"Gaga hindi ko naman sinabing lahat. Pwede naman specific mo na sabihin bakit kasi may pa-bilang-bilang ka pa diyan."
Napatawa ako at tumango. Ba't nga ba kasi ako nagbibilang?
"Sige yung ano na lang, yung ano..."
Should I tell her? Nakakahiya! Parang ayoko sabihin kay Chescka kasi alam kong aasarin lang niya ko.
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
General Fiction[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...