ABS-MA 24

10.4K 289 3
                                    

NAKAUPO ako sa carpet dito sa kwarto habang nilalaro si Chichi, kanina pa ako nakauwi. Buti na lang at hindi na ako kinulit pa ni Tali at Janny na ihatid dahil baka malaman nila na kasama ko si Mikael sa iisang bubong.

Napatayo ako ng marinig ang pagbukas ng pinto sa labas kaya naman agad akong lumabas ng kwarto at nakita si Mikael na naglalakad papunta sa sofa.

He sat down on the couch and frustratedly brushed his hair. He removed his suit and threw it on the single sofa. Naglakad ako palapit sa kanya, marahan lang at maingat ang bawat hakbang.

"M-mikael..."

He opened his eyes and looked at me. His eyes were puffy and looked like he was tired and sleepy. I stand in front of him while holding the edge of my shirt.

"K-kumain ka na ba? Gusto mo s-sabay na tayo."

Umiling siya at niluwagan ang neck tie, tumayo siya at kinuha ang suit sa sofa. Muli siyang tumingin sakin, pero di tulad nung mga nagdaang buwan at araw, iba yung tingin na binigay niya sakin. Parang bumalik yung Mikael na unang nakilala ko.

"I've already eaten dinner. Kumain ka na lang, matutulog na ko." naglakad na siya papasok sa kwarto. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa pintuan ng kwarto niya. Mapait akong ngumiti at naglakad patungo sa kusina para kumain.

Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto. He's already sleeping peacefully. Bumuntong hininga ako at marahang umakyat sa kama at humiga sa kabilang dulo, tumalikod ako sa kanya, parehong nakaharap ang likod namin sa isa't isa. Pinikit ko na ang mata ko at pinilit na makatulog.












Kinabukasan, maaga akong nagising dahil nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng kwarto. Dinilat ko ang mata ko, bumangon at naglakad palabas para silipin kung ano yung ingay na yun.

"Mikael?"

Lumingon siya sakin at nagulat ako ng ngumiti ito, nagluluto siya ng almusal ngayon at yung ingay na naririnig ko pala ay mula dito sa kusina.

"Good morning..." bati niya. Napaawang ang labi ko at lumapit sa kanya, nilagay ko ang likod ng palad ko sa noo niya kaya naman lukot ang mukha niyang bumaling sakin.

"Wala ka namang sakit, bakit ganyan ka?"

"What do you mean?"

"Parang kagabi ang sama ng timpla mo ah?"

He smiled again and shook his head as he continued to cook.

"I'm just exhausted from work."

Tumango-tango ako, ano kayang napanaginipan nito at good mood? Baka si Freya?

Napatigil ako at napatingin ulit sa kanya, gusto ko magtanong sa kanya. Ang dami kong tanong pero hindi ko magawang magsalita tungkol dun, lalo na mukhang maganda ang gising niya ngayon at natatakot din ako sa kung anong maririnig kong sagot sa kaniya.

"It's done. Let's eat."

Hinanda niya yung plato sa mesa at yung mga niluto niya, hinila niya ako at inalalayang umupo.

"Nakakapanibago ka talaga..." bulong ko at sumubo ng fried rice at hotdog. He chuckled and put some food on my plate.

"This is just me, nothing changed. Well, maybe a little. "

Kumain kaming dalawa ng agahan at paminsan pa akong inaasar na mas lalong nagpagulo sakin, masyado akong naninibago sa inaasta niya ngayon. Baka hindi ito si Mikael ha? Baka doppelganger?

"Sabay na tayong pumasok." napalingon agad ako sa kanya, kakatapos lang namin maligo at nagbibihis na siya at ganun din ako.

"Huh? Baka may makakita sa'tin."

MIKAEL ARCILLANO | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon