NAPANGITI ako pagkapasok ng apartment dahil sumalubong kaagad sakin ang shitzu dog ko na iniregalo pa sa akin ni Nanay bago siya mawala.
"Hi Chichi! How did you spend your day? Nalungkot ka ba mag-isa dito? Five hours pa lang naman ako nawala." nakanguso kong sabi habang nakaupo ako para mahawakan ito. She barked when she heard what I said.
Lumabas kasi ako simula kaninang 10am tapos ngayon kakauwi ko lang dahil nahirapan akong maghanap ng trabaho dahil wala namang natanggap sakin. Nakakalungkot dahil sobrang tataas ng standards nila pagdating sa aplikante porket highschool lang ang natapos ko.
"Sorry Chichi if I have to leave you here, kailangan lang maghanap ng work ni Mommy para makabili ng food ko and food mo." nakangiting sabi ko at binuhat ito papuntang sala. Maliit lang ang apartment ko dahil ako lang mag-isa ang nakatira dito kasama si Chichi, pero kahit hindi ito kalakihan ay malaki pa rin ang binabayaran kong renta kada buwan.
"Hindi ko na alam saan ako maghahanap ng trabaho." malungkot na bulong ko at ibinaaba si Chichi bago kinuha ang phone sa bag tsaka tinawagan ang matalik kong kaibigan.
"HI Chescka!" masiglang bati ko pagkasagot niya.
"Hello Maze, what's up? May kailangan ka ba?" tanong nito
Chescka has been my best friend since high school; she is the polar opposite of me. Mayaman ang pamilya ni Chescka dahil fashion designer sa Vietnam ang mommy niya. Sabi naman niya ang daddy niya ay businessman pero di na daw niya ito nakita simula nung 10 years old siya. Nakapagtapos din si Chescka ng college at hindi rin siya nahirapan na makahanap ng trabaho. Gusto nga niya ako tulungan na makahanap ng trabaho kaso nahihiya ako sa kaniya dahil magiging obligasyon niya pa ako.
"Wala naman na-miss lang kita." sabi ko at humagikgik pa.
"Shunga!" natatawang sabi nito kasi hindi pa rin siya sanay na sweet ako sa kaniya, sabi niya naki-cringe daw siya.
"Anyways, samahan mo naman ako tomorrow night Maze. Rest day ko kasi tomorrow and I'm meeting someone I met on a dating app." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Chescka.
"Ha? Anong dating app Ches? Baka mamaya sindikato yang ma-meet up mo ha, tapos kidnappin tayo, tapos tanggalan tayo ng lamang loob at ibebenta nila. Ayoko Ches! Mahal ko pa buhay ko tsaka walang mag-aalaga kay Chichi!" naiiyak na sabi ko habang nagdadabog na para bang nakikita ako nito.
Narinig ko ang paghalakhak ni Chescka sa kabilang linya.
"Gaga! Wag kang praning, fafabol yung nabingwit ko sa dating app. Super layo maging sindikato nun girl."
"Nabingwit? Isda ba siya Ches?"
Kinabukasan ay hindi na ako nag-abala pa na maghanap ulit ng trabaho dahil nga may lakad daw kami ni Chescka mamaya kaya binantayan ko na lang si Chichi dito.
"Chichi, mamaya aalis si Mommy ulit ha, kaya dapat behave ka lang dito. Wag ka ng kakahol sa kung saan kasi natatakot na ko minsan tsaka naiingayan yung mga katabing unit natin baka buhusan ka pa nila ng mainit na tubig." nakangusong sabi ko kay Chichi habang nakaupo sa sofa at nanonood ng tv, yun kasi yung sinabi nung isa kong kapitbahay dahil tahol ng tahol si Chichi nun kahit wala namang tao o hayop na kinakahulan. Di ko lang mapigilan kasi natakot ako, sabi kasi nila kapag ganun may mumu daw.
Dumating ang alas-otso ng gabi kaya nag-ayos na ako at inantay na lang si Chescka na papunta na raw para sunduin ako.
"Maze, what's up with your outfit?" nakakunot noong sabi ni Chescka habang sinusuri ang damit ko.
"Bakit? Anong meron sa suot ko?" tanong ko
Nakasuot kasi ako ng pink longsleeve na may cut sa braso tapos palda na palobo na may glitters-glitters pa tapos kulay pink din tapos yung sapatos na may heels na color white tapos yung buhok ko naman naka-high ponytail sa gilid.
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
General Fiction[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...