11

67 4 0
                                    

Chapter 11: | the feeling... |

---

"WAAAAH!" Napatingin ako kay Yuri na ngayo'y sumisigaw. Ewan ko ba sa babaitang 'to.


"Bakit ka ba sigaw ng sigaw? E kung ikaw kaya sigawan ko dyan? Sapakin kita e!" Napasimangot naman siya kaya napangisi naman ako. Kitang kita ko kasi na naaasar siya HAHAHA.


"Excited lang naman ako sa birthday mo e! Sapakin kita diyan!" Oo nga pala, bukas na nga pala ang birthday ko!

"So anong plano mo bes?" Tanong niya saakin.


"Gusto ko sanang mag out of town kasama-----" Hindi man lang niya ako pinatapos sa pagsasalita ng bigla nanaman siyang sumigaw.


"WAAAAAH! OUT OF TOWN? THAT SOUNDS GOOD!" Napangiti naman ako. Shunga shunga rin 'to minsan si Yuri e 'no? Nakakasakit sa utak HAHAHA.


Syempre may plano rin kami sa pamilya ko sa birthday ko and to be honest, bonding time together is all I ever need. Gusto ko na kasama kaming matulog sa iisang room tapos nagtatawanan and of course asking questions to everyone and I just want a closure between me and my parents and also my brother, e sa sobrang busy nila Mom and Dad sa trabaho kaya siguro twice a week lang sila nakakauwi sa bahay pero for my special day, hindi sila magtatrabaho and big present na 'yon para saakin.

I am turning 22 tomorrow and I am thanking God for it.

"So asan tayo pupunta?"


"Ang sabi ni Mommy na may reserved Beach and Resort daw doon owned by my Mommy and her Sister kaya you don't need to worry na." Kuminang nanaman ang mga mata niya.


"WAAAH, I AM SO EXCITED!" Mas excited pa yata 'to kaysa saakin e. HAHA.


Habang nakatunganga lang ay hindi ko maiwasang hawakan ang labi ko. Shocks! Bakit ko nanaman ba 'yon na isip? Bakit niya ba yun nagawa? Bakit ganon? First kiss ko yun e! T_T


---

"You are my secret..."


Iyan yung nakasulat sa letter doon sa locker ko. Tiningnan ko yung box na may laman ng mga letter at marami rami na rin ito. Sino ba kasi ang namimigay saakin ng letter? Why can't you just put your name there para marecognize man lang kita! Shet naman. HAHA. E hindi naman ako manghuhula e!


Secret? Why would I be a secret to you? Dahil ba hindi ko alam kung sino ka kaya naging secret? ganon ba 'yon? Or 'di kaya may pagtingin ka pero hindi ko alam? Ayst ewan ko!


I closed my locker atsaka agad na pinuntahan si Yuri doon sa may lobby ng makasalubong ko si Jin at ito nanaman ang puso ko, sobrang lakas nanaman ng tibok nito.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Akala ko nalampasan ko na siya ng bigla niya akong hinila atsaka agad na pinaharap sa kanya kaya agad ko siyang natulak bago pa mawala ako sa wasto.


"Ba't ka nanghihila?!"

"E bakit ka nanunulak?!"

"E kasi hinila mo ako!"

"E sa ba't ka nanunulak?!"


Shet naman e! Ano bang problema ng ungas na 'to?!


Napakunot naman ang noo ko kaya napachuckle siya. Nang aasar nanaman e!


"You're really cute." I stopped.


Cute mo mukha mo! HAHAHAHA!


"I-I know." Umirap ako atsaka agad na nilampasan siya.


Pinuntahan ko na agad si Yuri ng bigla siyang napakunot ng noo.


"Namumula ka yata?" Tanong nito saakin habang nakapameywang.


"Umh, sadyang ganun lang talaga ang skin ko. Namumula kapag mainit." Napasmirk siya habang nanliliit ang mga mata.


"I can sense something. Hmmm." Naglakad siya palapit saakin atsaka agad na inikutan ako.


"E kung ganon, dapat ganun rin ang kamay mo pero bakit ganon? PISNGI mo lang ang namumula?''

"E-Ewan ko? Atsaka a-ano ka ba!" Ani ko sa kanya. Nakakainis naman e!


"Naku, ikaw Yumi ah! Baka may tinatago ka yata?" Napakunot ako ng noo atsaka agad siyang binatukan.


"A-Ano naman? S-Shunga ka talaga!" Natawa nalang siya. Baliw din 'tong si Yuri e!


Namumula ba talaga ako? Posible bang nagbu-blush ako? WAAAH! THIS CAN'T BE HAPPENING! YOU HATE HIM, RIGHT? OH GOSH!

◆♥◆♥◆♥◆♥◆

Only You | kim seok jinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon