36

38 2 0
                                    

Chapter 36: | Summer Plan |

---

FINALLY! Summer na rin! YES! 



Nandito naman si Yuri sa bahay namin. Dito kasi siya natulog kagabi, sleepover ganon! HAHAHA.



Nandun lang siya sa living room habang nanonood ng TV at si kuya Theo naman ay nandun sa gym room sa itaas, work out daw kuno HAHAHA.



Nandito lang naman ako sa kusina at kumukuha ng tubig sa ref. Iinom na sana ako ng tubig ng biglang---



"BEEEEESSS!!!" Muntikan ko ng mabuhos ang tubig dahil sa sobrang gulat e! BWESIT KA YURI!



"ANO BA?!" Natawa lang ito atsaka agad na nag 'peace' sign.



"ANO BANG PLANO NGAYONG SUMMER?" sigaw nito para marinig ko. E sa meron ako sa kusina at meron siya sa living room. Long Distance Conversation HAHAHA.



Uminom muna ako ng tubig atsaka agad na pumunta sa living room at umupo sa kabilang sofa.



Naka squat lang ako habang nakaupo sa sofa atsaka agad na kinuha ang remote tapos iniba ang channel.



"Ang sabi ni Coach ay next week pa daw tayo magsisimula sa Summer Job natin. Umh, mga 5 weeks lang rin daw naman tayo magcocoach sa mga players." Napatango tango nalang siya.



"Okay so may panahon pa tayong mag enjoy sa summer!" Napairap nalang ako atsaka binaling ang tingin sa TV. 



Mamaya naman ay aalis kami ni Yuri, actually susunduin kami ni Yoongi at Jin dito. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. E hindi kami ininform e. HAHAHA



*ting*



Kinuha ko yung phone ko sa mesa atsaka tiningnan kung sino yung nag message.



From: Love



FYI, Hindi ako yung nag change sa contact name niya sa phone ko kundi siya. Ewan ko ba sa lalakeng yun HAHAHAHA.



'Wear the gift that I bought you in our graduation day. Wear it tonight. I love you.'



Ow? Okay?



Binato ko ng throw pillow si Yuri kaya nagulat naman siya.



"Ba't ka nambabato?!"



"E sa trip ko?"



"Bwesit ka!"



"Pero sa totoo nga, alam mo ba kung saan tayo pupunta ngayon?" Napailing siya.



"Hindi ko nga rin alam. Basta ang sabi ni Yoongi saakin ay aalis daw mamaya." 



Napakunot nalang ako ng noo.



"Punta muna ako sa kwarto bes. Maghahanda lang ako sa susuotin ko." Tugon ko kay Yuri atsaka tumango nalang kaya pumunta naman na ako sa kwarto ko.



Pagdating ko sa kwarto ay agad agad ko namang inihanda yung damit na binigay ni Jin saakin. Isang pair lang ito ng silk crop top tapos shorts atsaka may ladies blazer na kulay white ito so pumunta ako sa closet ko at tinignan kung ano ang mababagay na stilettos sa damit na yun and chereeen, isang white stilettos at pak na pak na ito HAHAHAHAHA.




Nilapag ko lang ito sa kama ko atsaka tiningnan yung wall clock sa kalapit na cabinet. It's 5 PM na atsaka susunduin naman kami ng mga kupal kapag 6 PM. We better get ready.



Lumabas ako sa kwarto atsaka tinignan si Yuri sa living room mula dito sa ikadalawang palapag.



"Tama na yang kakacartoons mo Yuri! Maghanda ka na dyan!'' Tiningnan lang niya ako atsaka napakamot ng ulo.



Bumalik na ako sa loob ng kwarto ko atsaka agad na nagshower.



.....and magic! 



After 30 minutes ay natapos rin akong magshower. E sa nagconcert lang naman ako sa loob ng CR kaya ganun ako katagal nagshower.



Umupo muna ako sa upuan tapat ng salamin habang iniair dry ang buhok ko. So basically, nag he-head dance ako ngayon. HAHAHAHAHA.



Pagkatapos matuyo ng kaunti ng buhok ko ay nagtoothbrush ako tapos agad na sinuot yung damit na susuotin ko ngayong gabi tapos nag make up na, hindi naman gaano ka rami yung make up na inaapply ko sa mukha ko 'no. And magic nanaman, tapos na ako!



Kinuha ko yung sling bag ko atsaka bumaba na papuntang living room ng biglang may nagmessage saakin.



From: Love



'Go outside, we're here.'



Shunga! E ba't 'di kayo nag door bell. Tanga lang?



Tamang tama at tapos na rin si Yuri kaya sinabihan ko na siya na meron na sila sa labas.



Paglabas namin ni Yuri ay nakita naman namin si Jin, Yoongi at Kuya Theo. Geez! Alam naman pala ni Kuya na meron na sila pero hindi kami sinabihan. Isa rin tong shunga e HAHAHA.



"Ingat kayo. Yah! Little Sister, uwi ka ng maaga. Yah! KIM SEOK JIN! TAKE CARE OF HER! HUWAG MONG PABAYAAN ANG KAPATID KO AT BLACK EYE TALAGA ANG UWI MO SAKIN." Tumango naman si Jin na para bang natatakot. HAHAHAHA.



"And Yoongi, take care of Yuri too. Arasso?"  Tumango naman na rin si Yoongi kaya sumakay na ako sa kotse ni Jin at ganun rin si Yuri.



.....to be continued.

●●••●●

Ayumi Mikaela Jung's attire:

Ayumi Mikaela Jung's attire:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yuri Savannah Seo's Attire:

[I do not own any of these pictures so Credits to the Owner of the Photo]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[I do not own any of these pictures so Credits to the Owner of the Photo]

      ♥◆♥◆♥◆♥◆♥       

Only You | kim seok jinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon