60

25 2 1
                                    

Chapter 60: | College Batch Reunion |

(CREDITS TO THE OWNER OF THE PHOTOS THAT I WILL BE USING IN THIS CHAPTER)

----

Nandito parin kami ni Jin dito sa room. Nakahiga lang ako sa braso ni Jin na nakaakbay saakin habang siya ay nakayakap sa tiyan kong bolang crystal. Mamayang gabi ay Homecoming namin sa Hi
College Batch Reunion. It's been a long time since hindi kami nagkikita in person.

"Jin, magp-prepare na tayo para sa susuotin natin mamaya." Imbes na babangon ay isinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko ang hininga niya na medyo kinikiliti ako.

"20 minutes." Aniya kaya napabuntong hininga nalang ako.

Bigla niyang niyakap ang tiyan ko gamit ang magkabilang braso niya habang nakahiga siya sa braso ko. Hayst nako!

Nakasuot lang ako ng white loose tshirt tapos black sleeping shorts ngayon.

Hanggang sa makaramdam ako ng pagkaantok kaya napabalik ako sa pagtulog.

JIN'S POV

I looked at Ayumi at nakita ko yung inosenteng mukha niya na sobrang ganda kahit natutulog. Kumalas ako sa pagkakayakap sa tiyan niya atsaka hinalikan siya sa noo niya at hinalikan ko rin ang tiyan niya pero bago pa ako bumangon ay kinumutan ko muna siya.

Lumabas na ako sa kwarto para maghanda ng breakfast namin ni Yumi. Magluluto ako ng chopsuy ngayon kasi dapat kakain siya ng healthy foods kasi may dinadala siyang tatlong sanggol sa sinapupunan niya at hindi ko rin hahayaan na hindi siya magiging healthy.

Nagch-chop na ako ng mga gulay ng biglang may yumakap saakin mula sa likod. Hmm.

"Love naman, bakit hindi mo ako ginising." Aniya na para bang inaantok pa. What a cutie.

I just smirk atsaka pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Kasi ayaw kong istorbohin ang Misis kong payapang natutulog kasabay ng anak namin." Kinalas na niya ang pagkakayakap saakin kaya napalingon ako.

"Hmmmm." Tinitingnan ko lang siya na nag uunat habang binubuksan ang sliding door namin sa may pool area.

Pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko hanggang sa makatapos ako. Pagkatapos kong magluto ay hinanda ko na ang niluto ko sa table namin atsaka pinuntahan si Ayumi sa pool area.

Pagdating ko sa pool area ay hindi ko nakita si Ayumi ng biglang---

"BOOO!" Napapout siya ng hindi man lang ako natakot sa pananakot niya hahaha!

"Hay nako hahaha! Kain na nga lang tayo!" Ngumiti siya atsaka hinila ko siya ng marahan papunta sa kitchen namin.

"Hmm, ang bango naman!" Wika nito na para bang gutom na habang himas himas ang tiyan.

Inanalayan ko siya sa pag upo atsaka kumain na kami.

---------

Gabi na at naghahanda na kami ni Jin para sa homecoming ngayon. Let's be honest, mahirap pumili ng damit kapag buntis ka. hahaha! pero meron naman na akong napili at ito lang ang sinuot namin Jin ngayon.

Only You | kim seok jinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon