13

72 4 0
                                    

Chapter 13: | Special Greetings |

---

Sobrang aga pa nang magising ako. Si Yuri naman, ayun tulog mantika tapos humihilik pa! 5AM ako nakagising kasi nagplano kami ni Yuri na magbu-bungee jumping daw kami. Ewan ko lang sa babaeng 'to kung tutuloy siya basta ako, gogora ako.

Pumunta ako sa kwarto ni Yuri at nakita ko naman siya na natutulog in different ways. Yung paanan, nandun na sa head board tapos yung ulo, nandun na sa may paanan. Sabihin niyo nga saakin kung paano siya natutulog?


Kinuha ko yung isang unan at agad na ibinato iyon sa kanya.



"Gising na! Akala ko ba na magbu-bungee jumping tayo ah?" Napatakip siya ng blanket pero agad ko naman itong nahablot.


"Sobrang aga pa 'no. Ikaw lang talaga mag isa doon. Magbu-bungee jumping ka mag isa. Itry mo, baka masaya.'' Nasapak ko naman siya kaya napasama yung mukha niya.



"Shunga ka e 5AM nga yung nakasulat doon e. Tigil tigilan mo nga ako. Kung hindi ka pa babangon dyan, mababatukan talaga kita." Napakati nalang siya ng ulo atsaka agad na bumangon.


"Ano bang sabi ko? Eto na nga, babangon na nga ako. Naku, ikaw talaga, hindi ka naman mabiro. ehe." Sinamaan ko nalang siya ng tingin atsaka agad na bumalik sa kwarto ko para makapagshower na.

Nung natapos na akong mag shower ay agad kong sinuot yung black and white ko na swimsuit tapos isang navy blue fitted crop top lang tapos rose gold na shorts lang yung pinares ko.

Paglabas ko naman sa kwarto ko ay nakita ko naman agad si Yuri na nagsusuot ng rubber shoes niya. White crop top lang tapos shorts yung sinuot niya tapos pinaresan ng turtle neck niya na swimsuit and we good to go.



"Hindi ka ba kinalabahan? Kasi ako, iniisip ko na baka huling araw ko na ito. Waaaaaaaah!" Ang OA naman ng babaeng 'to.


"Sapakin kita e. OA neto. Ikaw pa nga yung nagyaya saakin tapos ikaw 'tong natatakot? Hanep ka rin 'no?" Umirap lang siya saakin. HAHAHA.


----

Nasa bungee jumping area na kami, nakabili na rin naman kami ng ticket at tinitingnan namin yung mga taong nag bu-bungee jumping, ito namang si Yuri, gusto nang mag back out. Can't deny, sobrang taas rin pala yung tatalunan namin from the starting line doon sa itaas.


"Huwag nalang kaya tayong tumuloy?" Umirap nalang ako.


"Nandito na tayo kaya huwag ka ng umatras." To be honest, I am afraid of heights. But I'm going to face my fears, anyways.


Nakaabot na kami sa starting line dito sa itaas. Para akong nahihilo kapag napapatingin ako sa ibaba e. Sobrang taas kasi jusko. Tapos sa dagat pa kami magbu-bungee jumping. Natatakot tuloy ako.



Nakasuot na kami ng safety gear at si Yuri naman yung susunod sa isang babaeng nakatalon na. Ang sabi nila na sobrang enjoy daw pero hindi ko feel e, parang iri-risk mo kasi ang life mo dito. WAAAAH!


Pagkatapos ng mga ilang minuto ay si Yuri na yug susunod. Natatawa nalang ako sa mukha niya kasi sobrang natatakot na kasi siya e.



"WAAAAH! Pwedeng umatras? Pwede naman sigurong umalis nalang dito? Nakakatakot naman kasi e." Natawa nalang kami sa mga pinagsasasabi niya.


"Are you ready, Miss?" Tumango nalang si Yuri atsaka agad naman siyang pumikit ng biglang itinulak si Yuri kaya napasigaw siya ng sobrang lakas.



Only You | kim seok jinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon