"ATE LAI, si Jett Alcaraz ang dahilan... Niloko niya lang ako. Pinaasa..."
"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Jett Alcaraz? Iyon bang basketball player ang sinasabi mo? Anong ginawa sa 'yo? Iniskoran ka sa panaginip o nakita mong may kasamang babae sa picture at nagselos ka?"
"I'm not kidding." Itinaas ni Larissa ang cellphone at ipinakita ang wallpaper nito. Si Jett at ang kapatid niya, magkadikit ang mga pisngi at kapwa nakangiti. Naglaho ang mapang-uyam niyang ngiti. "Sobrang sakit, Ate. Hindi ko matanggap na gaganituhin niya lang ako. Manloloko siya."
Ipinilig ni Lailani ang ulo upang alisin sa isip ang pagsagi sa alaala ng eksenang iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaang totoo ang lahat ng iyon. Her little sister was no longer innocent. She gave herself to a monster.
Hindi niya inakalang hahantong sa ganoon ang pagkabaliw nito sa basketbolista. Her room was filled with his posters. Her notebooks were filled with scribbles about him.
Nakuha pa nitong makipagkita sa binata. Kunsabagay, hindi imposibleng hindi ito magkakilala. Laman ng Cuneta Astrodome ang kapatid. Pareho ang alma mater ng dalawa. Galing sa Green Archers ang lalaki. Imposibleng hindi nito mapansin si Larissa dahil maganda ang kanyang kapatid.
Padabog niyang tinipa sa Google ang pangalan ng walanghiyang lalaking pinagbigyan ni Larissa ng sarili.
Jett Alcaraz. Twenty-eight years old. 6 feet 3 inches tall. Vortex Forward. Won Rookie of the Year 2001, MVP 2004. Indeed a fast and furious player in court, and with women...
"Damn you to hell!" naibulalas niya nang malakas.
"Lai, I don't think Satan needs modern technology there. Huwag mo nang ipahintulot na maging computerized ang pagkuha niya ng mga masasamang kaluluwa. You wouldn't like it."
Napatingin siya kay Weena, ang editor-in-chief ng FEM magazine kung saan isa siyang associate editor. Mabilis niyang in-exit ang browser at humarap dito.
"Maybe I will. Especially, kung ang mga playboy at mapagsamantalang lalaki ang uunahin niyang padalhan ng invitation to hell sa e-mail."
Natawa ito. "Whoa! I just want to clarify na hindi porque FEM as in Female Empowerment Mag ang dala natin ay totally feminista na tayo. Stop being such a man-hater. We love men. In fact, our cover for this June is Aga Mulach, right?"
"With Charlene," dugtong niya at sinipat ang magazine.
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Weena. "Pero para sa July issue na siyang topic ng meeting natin mamaya lang, it would be Jett Alcaraz. Alone."
Sukat sa sinabi nito ay nabitiwan niya ang binubuklat na babasahin at napatingala rito. "Did you just say Jett Alcaraz?"
Lalo pang ngumiti ang babae. "Yeah. He's so hot these days. And, God, I'm so excited to meet him. Ako mismo ang gagawa ng interview sa kanya."
Iiling-iling na inalis niya ang tingin kay Weena at ibinalik iyon sa magazine bago pa nito mahuli ang pagtalim ng kanyang mga mata. "He's of course the cover story. Ano'ng theme ng story niya? Ano'ng ilalagay nating teaser sa cover? 'Jett Alacaraz's womanizing techniques' or 'Tips on how to play women's hearts.' Puwede ring 'Jett Alcaraz shares about his No. 1 hobby: Womanizing.' Hmm?" Nag-angat siya ng kilay sa editor.
Umigkas din ang kilay nito. "Uh-oh... Lai, have you been dumped in the past at ganyan na lang ang galit mo sa mga kalahi ni Adan?" Tila handang makinig sa kuwento niya ang naaawang ekspresyon nito.
Isinara na niya ang magazine. "Not by any chance. Hinding-hindi ako magpapaloko sa mga lalaki." Plano niyang kausapin ang lalaking sumira sa buhay ng kanyang kapatid. Gusto niyang panagutan nito ang ginawa kay Larissa. Nagkamali ito ng niloko.
Sinupil ni Weena ang ngiti. "Halata nga. Sa attitude mong 'yan I suppose wala ka pang nagiging boyfriend, am I right?"
"And I don't intend to have one." That was not entirely true. Hinihintay niya lang iyong taong disente, mature at responsible. In short, iyong lalaki na siguradong hindi siya lolokohin at pagsasamantalahan lang. Larissa's problem changed everything.
She was attractive enough para magka-boyfriend. But she was also a royal snob when it came to men. Intimidated ang mga ito sa kanya. Mayroong mga naglakas-loob ngunit wala ni isa ang pinalad na bigyan niya ng kahit kaunting atensyon. Para sa kanya, sagabal ang pakikipagnobyo sa pag-asam niya ng honors. Salutatorian siya noong high school at cum laude noong college.
She preferred being alone. Lalo na nang masawi ang ina ni Larissa. Ang oras niya ay nahati sa pag-aaral at sa pag-iintindi sa kapatid. Isa pa, wala pa talagang lalaking nakahuli sa pihikan niyang puso. Kahit hanggang ngayon.
Pero wala na siyang pakialam kahit wala siyang makilala. She might as well turn herself into a spinster, kaysa gamitin at lokohin lang ng isang lalaki.
Pagkaalis ni Weena ay muli siyang naghanap ng impormasyon sa net tungkol kay Jett.
She learned that aside from having numerous dating partners, may rumored Fil-Am girlfriend din ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...