HINDI umuwi si Jett nang gabing iyon. Gusto man ni Lailani na malaman kung ano ang nangyari sa lola nito ay hindi niya inalam. Sino ba siya sa pamilya nito? Ngunit hindi niya maitatanggi ang pag-alalalang naramdaman niya nang makita ang takot sa mukha ni Jett matapos malamang isinugod sa hospital ang lola nito. Malapit marahil ito sa abuela. Ipinanalangin na lang niyang makaligtas ang lola nito.
Kinabukasan ay tumungo siya sa opisina upang gawin ang trabaho. Iba pa rin kapag naroon siya kumpara sa mga panakaw na sandaling tumitipa siya sa laptop na mahigpit na itinatago sa servant's quarters. Kapag kailangan niyang mag-e-mail ay ikinakabit niya ang cellphone sa laptop.
"Hey, how's The Grudge?" birong-bati ni Weena nang makita siya sa kanyang desk. The Grudge ang temporary title na binigay ng editor sa article niya. Sarcastic iyon, alam niya. Halata raw ang resentment niya sa lalaki.
True, she was holding a big grudge in her heart for Jett. Not solely because of her sister now, but for herself as well. Pero bakit ngayong may problema ito ay wala siyang makapang galit?
"Was it getting more and more gruesome everyday?" nakangiting pang-aasar pa ni Weena.
Ginantihan niya ito ng ngiting nang-aasar din. "Oh, yes. As a matter of fact, I'm so near to killing him. Hindi na The Grudge ang title. Interview With A Vampire na." Lumang horror film iyon ng mga Hollywood heartthrobs na sina Tom Cruise, Brad Pitt at Antonio Banderas.
"Wow... so, masarap ba siyang kagatin? Does he taste good?" Lumuwang pa ang pagkakangiti nito.
Bahagya siyang naiinis dahil ayaw ni Weena na ilabas ang anumang artikulo niya tungkol kay Jett. Saka na lang daw. Katunayan, may iba siyang assignment para sa July issue nila. Interview sa isang bagong sibol na organisasyon ng mga kababaihan at ang ideolohiyang isinusulong nito. Gagawin niya dapat ang interview sa araw ng kanyang day-off ngunit wala na siyang day-off ngayon dahil hindi na siya katulong. Tuloy, ayaw niyang sabihin ditong tinapos na niya ang undercover job at aalis na siya sa bahay ng binata. Titiryahin niya rin ito.
"Does he taste good?" pangungulit ng editor.
"Hindi," sa wakas ay sabi niya. Who are you kidding? usig ng tinig sa isip niya. Kaya pala hinagod mo pa ang buhok niya habang hinahagkan ka. He tasted damn good....
"He tasted of stale eggs and hotdog," sarkastikong patuloy niya. Hindi niya ugaling magbitiw ng green jokes. Nabigla rin siya sa sarili sa lumabas sa bibig.
Napatutop ni Weena ang bibig. "Oh, God! Kakaiba ka palang bampira. Doon ka kumakagat! Nasty vampire, huh?" At tumawa ito. She just rolled her eyes.
"Hey, I have an idea for your story. Why don't you make him fall for you? Akitin mo. Pahabulin mo. Takamin mo. Since you're immune to his charm, I'm sure you won't give in to him. Then kapag smitten na siya sa 'yo, drop him like a hot potato." Tumawa ito nang nakakaloko. Hobby na yata nito ang asarin siya.
She snorted. "Antique na 'yang style na 'yan. Pero hayaan mo't pag-iisipan ko," aniya para makabalik na siya sa trabaho.
"Okay. Just be sure not to fall for him. Kasi pag nagkataon, ako na lang ang magpapatuloy ng article mo. Hindi na Interview With A Vampire ang title. Kundi Interview With A Vampire Slayer na." Muli itong tumawa.
Pag-uwi niya sa bahay ni Jett nang gabing iyon ay natagpuan niya ang lalaki sa bar at umiinom. Kinabahan siya.
"She's in a coma," sabi nito nang magtanong siya tungkol sa lola nito. Kahit paano ay naibsan ang kaba niya. Kahit bahagyang nag-aalangang magtanong ay inalam na rin niya ang dahilan ng atake nito.
"Na-depress sa balita ni Lindsay. The next morning they rushed her to the hospital." There was sadness in his voice. Ngayon niya lang ito naringgan ng ganoong tono. At tila nadarama niya rin ang lungkot nito. She surprised herself. Parang gusto niyang lumapit pa rito nang husto at hagurin ang likod nito at sabihin ditong maaayos din ang lahat.
"Alam mo bang hinahanap ka ni Mama? Sinabi kong out-of-town ka, visiting your grandparents."
"Hindi mo pa rin nasabi sa kanila ang totoo?" Nangako ito na bago siya magpanggap na nobya nito sa harap ni Lindsay ay aaminin na nito sa ina ang ginawa nitong palabas.
"Paano ko magagawa iyon? May problemang dumating."
Napabuntunghininga siya. Inunawa na lamang niya.
"About the other night..."
"Saka na tayo mag-usap tungkol d'yan. Kapag maayos na ang problema n'yo."
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...