Part 11

13.3K 402 17
                                    


KAGAT-LABI si Lailani kinabukasan nang sa wakas ay mahanap ang dapat niyang damputin sa umaga. Nagsuot pa siya ng rubber gloves upang hindi masayaran ng mga iyon ang kamay niya. Dinukwang niya ang condom at atubili pang pinulot. Itinabingi niya ang mukha habang inililipat iyon sa trash can. Na-freeze ang kamay niya. May biglang umahong kuryosidad sa dibdib niya. Pigil ang hiningang tinitigan niya ang laman ng hawak niyang...

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Ay, kabayo!" Nabitiwan niya ang condom. Bumagsak iyon sa kung saan. Napangiwi siya sa kahihiyan. Jett just caught her inspecting his condom and ... his sperm? Her face turned red.

"Tumingin ka nga sa 'kin," utos nito.

He was grinning when she raised her eyes to him. Para tuloy gusto niyang layasan ito on the spot. "Mamaya mo na titigan 'yan, my guest wants some fresh orange juice. Pakigawan mo muna siya."

"O-opo, Sir..." Siya lang yata ang nakarinig sa isinagot niya. Nang lumabas ito ng silid ay bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Na-curious lang naman kasi siya kung ano ang hitsura ng sperm cells.

Mayamaya pa ay pinipiga na niya sa squeezer ang oranges. "Ma'am, heto na po ang juice n'yo." Inilapag niya sa maliit na stool ang baso. Nakadapa si Rizza sa pool bench. Naka-skimpy two-piece ito at naka-shades. Nasa attic si Jett at nag-gi-gym.

Paalis na siya nang tawagin nito na yaya. "Ma'am?"

"Nasaan na si Yaya Mila?"

"Ah, si Pinsan? Nasa probinsya po."

"Paano mo siya naging pinsan, eh, ang pangit n'un? Ikaw ha, 'wag na 'wag kang magkakamaling landiin si Jett dahil susungalngalin ko ang ngala-ngala mo," banta nito.

Excuse me, landiin? Baka patayin, puwede pa! gustung-gusto niyang isagot dito. "Naku, hindi po. May boyfriend na po ako."

"Sino? 'Yung boy d'yan sa kabilang bahay?" panlalait nito.

"Hindi po. 'Yung hardinero." Antipatika rin pala itong bold star na ito.

"I like you," biglang sabi nito. "Magkakasundo tayo."

Like hell. "Hindi n'yo po naitatanong, fan n'yo ko."

Nahatak niyon ang atensyon nito. "Really? Thanks!"

"Kaya nga hindi ako naniniwala doon sa sinabi ni Miss Rebecca na dati kayong escort girl at puro retoke ang buong katawan n'yo. Naninira lang siya, di ba, Ma'am?"

Napabalikwas ito. Napangiti siya nang lihim. "Ano?" Tumaas-bumaba ang malusog nitong dibdib sa galit. "Walanghiyang babae 'yon! Hindi totoong escort girl ako!"

"Eh, 'yung tungkol sa retokado daw kayo? Totoo po ba 'yon?"

"Hindi totoong escort girl ako!" muling sigaw nito kapagdaka.

Ay, gaga. Parang inamin na ring retokada siya all over.

"Si Rebecca Trinidad ba ang sinasabi mo? Sasakalin 'yung babaeng iyon kapag nakita ko!"

Nang tumalikod siya ay isang ngiti ang pinakawalan niya. Rambulan galore ito kapag nagkataon.

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon