Napabaling si Lailani sa editor-in-chief at nasopresa pa sa ekspresyon sa mukha nito. Puno iyon ng simpatya.
"I have no intention of writing about Jett," aniya. Iniabot niya rito ang natapos article tungkol sa pinakahuling assignment.
Alam na ni Weena ang lahat. Umiling-iling ito, hindi pa rin nagbago ang ekspresyon. "Hindi puwede. Kailangan mong isulat iyon dahil may iniukol na akong page para roon. And don't you ever try messing up with my lay-out."
"Akala ko ba sabi mo noon..."
"Nagbago ang isip ko. I'm giving you three days to write the story. So, you might as well start now."
Napabuntunghininga siya. Akala niya ay naiintindihan siya ng kaibigan. "Magre-resign na lang ako kaysa isulat iyon."
Hindi ito nagpakita ng pagkabahala sa sinabi niya. Alam niyang unprofessionalism ang tawag sa ginagawi niya ngayon. Ngunit hindi talaga niya kayang isulat ang ginawa niyang mga kasalanan kay Jett. She would prefer losing her job kaysa maging katawa-tawa si Jett sa mga tao.
Marami itong kalokohan. But he was also charitable; a loving grandson, a responsible man in bloom, and an ultra sweet and caring man. Hindi iyon alam ng publiko.
"Lai, don't misunderstand me." Ginagap nito ang kamay niya. Nag-angat siya ng tingin. "You fell in love. That's the real story. At iyon ang gusto kong isulat mo. If you think he's worth all the risks, tell the world how you feel. Maybe he'll realize he still loves you. Love is all about taking risks, Lai. Think about it."
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...