"Yeah, Lindsay, I am listening," sagot ni Jett sa nobyang kausap sa wireless phone.
Wala nang natira sa mga flings niya. Pero wala siyang nadaramang panghihinayang. They were all just flings. Ang ikinaiinis niya ay napagalitan na naman siya ng ama dahil sa eskandalong iyon na palaisipan talaga sa kanya kung paano at saan nagsimula. Ikinasama rin iyon ng loob ng kanyang mama at abuela. Other than that, nothing could shake him. Sanay na siya sa tingin ng publiko sa kanya. Heartless playboy. Ruthless womanizer. Whatever they called it, he didn't care a dip. Ang mga babae ang lumalapit at nagpiprisinta. Wala lang siyang kakayahang tumanggi.
Palabas siya sa lanai nang matigilan. Sumandal na lang siya sa pillar at pinagmasdan ang maid niya habang nasa tainga pa rin ang telepono.
How could a maid look as delectable as that? He smiled naughtily. Sinaway niya ang sarili sa adjective na ginamit sa paglalarawan sa katulong. She was not his type. But she is really pretty and she has a nice butt. Lalo siyang napangiti nang bumaluktot ito habang inaabot ng hawak na pool net ang lumulutang na dahon sa gitna nang malawak na swimming pool. Umangat ang uniporme nito. It exposed the smooth back view of her legs and caused her butt to rise a little more. She is undeniably sexy. Nakita niya ang korte nito kanina nang ihulog ito ni Mara sa pool at mabasa.
Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba niya pinapansin ang katulong?
Nakalimutan niyang nasa linya pa si Lindsay. Ito na lang ang natitirang problema niya. Napilitan tuloy itong tapusin ang pag-uusap nila nang mapansing lumilipad ang atensyon niya. Nagdahilang siyang pagod at puyat dahil sa practice.
Natagpuan ni Jett ang sariling lumalapit sa pool, sa maganda niyang maid.
Eksaktong lumingon ang dalaga nang nasa mismong likuran na siya nito. Nagulat ito at nawalan ng balanse nang bumangga ito sa kanya at napaurong. Nagtangka siyang saluhin ito. They fell on the pool hugging each other.
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...