Part 41

13.3K 355 5
                                    


"JETT, hayaan mo muna akong magpaliwanag..."

"Ano pa'ng ipapaliwanag mo? Oh, let me guess. Gusto mo pa bang idetalye sa akin kung paano mo ako pinaikot? Hell, I feel so dumb! Ni hindi ko man lang natunugan. Ni hindi man lang ako nagduda. I didn't have a clue that you were just trying to get a story out of me. Oh shit! Ikaw rin ba ang may kagagawan ng eskandalong... Dammit!

"Ang galing mo. Ang galing-galing mo. You could pass for an actress. You were so great. I'll give it to you... congratulations. You succeeded. Nagawa mong itaboy ang lahat ng flings ko at pagbaguhin ako. That's the first story, I guess. And the second story... you made me fall in love with you.

"But sorry, Baby, you can't get your third, you can't dump me and write about it... because I'm ditching you right now. And don't try to write the other way around or I'll sue you for libel. Isulat mo lang ang una at pangalawa mong istorya. Wala kang maririnig sa akin. I won't deny them because they're true. Don't worry, I'll buy a copy of your magazine. I hope it'll sell. Goodluck."

Parang naka-record sa isip na paulit-ulit na nag-playback sa alaala ni Lailani ang mga binitiwang salitang iyon ni Jett. Tila sinasaksak ang dibdib niya sa sobrang sakit na nadarama. It was all her fault. But he loves me. Sinabi nito mismo. Mahal siya ni Jett. Or perhaps, he loved her. Past tense. Tapos na. Nilamon na ng pagkamuhi nito sa kanya ang damdamin nito.

Perhaps she deserved it. She was so sorry for herself. But she was more sorry for hurting him.

Nang gabing iyon ay bumalik pa rin siya sa bahay ni Jett sa pagnanais na makausap ito nang maayos. Ngunit hindi ito umuwi nang gabing iyon pati kinabukasan. Matapos mapag-isipang wala na marahil pag-asang pakinggan siya nito ay napagpasyahan na lang niyang umalis at dalhin ang lahat ng gamit. Iniwan niya ang dalawang damit na ipinagamit nito sa kanya at pati na rin ang emerald jewelery set na regalo nito. Hindi talaga niya matatanggap iyon. Pinigilan niya ang sarili na gumawa ng sulat. Baka lalo lang siyang masaktan kapag walang narinig mula rito pagkatapos.

Umalis na siya sa bahay na iyon na naging saksi ng pag-ibig na pinagsaluhan nila ni Jett. Hindi na siya makakatuntong muli roon. Hindi na niya makakasama si Jett. Hindi na niya ito makikita. She cried more at the thought.

"Ate..."

Hindi siya tuminag mula sa pagkakasubsob sa harap ng laptop kahit pa narinig niya ang tinig ng kapatid. Tinatapos niya ang article para sa ginawang interview noong nakaraang Sabado ngunit walang pumapasok sa utak niya.

Naramdaman niya ang paghagod ni Larissa sa kanyang likod. "Ate, I'm sorry, ako ang may kasalanan nito. Hindi ko sinasadya."

"Iwan mo muna ako." Wala siyang nadaramang galit sa kapatid. Gusto lang muna niyang mapag-isa.

"No. Slap me, Ate. Sabunutan mo 'ko. I can't stand seeing you cry, Ate. Nasasaktan din ako." At humagulhol na si Larissa.

Napapikit siya. Magmo-moment na naman ang kapatid niya. Gusto pa yata siyang agawan ng eksena. Ngunit kailangan na niya itong patahanin kundi ay baka mag-umpisa na itong magbasag. At sa silid pa niya na maraming babasagin!

Napilitan na siyang mag-angat ng mukha. Pinunasan niya ang luha sa mga mata at nagpilit ngumiti. "Bruha ka talaga. Moment ko 'to. Hindi ka dapat sumasali sa eksena."

Yumakap ito sa kanya. "Ate, I'm sorry..." Ang nangyari, imbis na siya ang aluin nito sa pag-iyak, siya pa ang nag-alo rito.

"Okay na. Tama na 'yang drama mo. Don't worry about me, I'll move on," aniya kahit hindi pumabor sa isip ang huling sinabi.

"Gusto mo ba ng lasagna? I'll cook for you," humihikbi pa ring saad nito.

"You'll cook? Maglaba ka na lang." At nagtawanan sila habang kapwa may luha sa mga mata.

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon