Part 17

13.6K 361 9
                                    


NAKANGITI si Lailani habang masiglang pinupunasan ang round table sa ilalim ng pool umbrella. Kahit papaano ay nakaisa rin siya kagabi kahit pa hiyang-hiya siya habang bumibili ng condom.

"Bakit isa lang?" nandidilat na asik ni Jet pagkaabot niya ng binili. Sinadya niyang hindi umuwi kaagad. Mahigit dalawang oras ang pinalipas niya. Hindi baleng napuyat siya, makaisa lang.

"Eh, Sir, iyan na lang daw ang natitira doon, eh," kakamot-kamot pa sa ulong paliwanag niya.

Napamura ito sa inis. Naisip niyang isa lang ang bilhin para kahit kaunti ay maunsyami ang maligayang gabi nito.

"Hoy!" Napalingon siya sa tumawag. Si Mara Crisande.

"Bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag, ah!" Nakabusangot ang magandang mukha nito. Kagigising pa lang nito.

Dumerecho siya ng tayo. "Sorry ho. Hindi ko kasi kayo napansin," paumanhin niya.

"Ba't ganyan ang tono mo?" nandidilat na sita nito.

"Ano'ng tono?" ulit niya sa tonong ginagamit niya sa opisina bilang associate editor.

"'Yang tono mo na parang hindi ka muchacha dito kung makipag-usap sa amo mo!"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Excuse me, hindi kita amo. Si Sir Jett lang ang amo ko dito."

Napanganga ito, hindi makapaniwalang sinasagot ito ng isang katulong. "Ang kapal ng mukha mo!" Galit na nilapitan siya nito at hinablot ang kanyang buhok. Siyempre pa, hindi siya makapapayag na magpasabunot lang dito kaya gumanti siya. Nagsabunutan sila.

"Walanghiya kang muchacha ka! Ang kapal ng mukha mo!" walang tigil na sigaw nito hanggang sa maihiga niya ito sa poolside.

"Ikaw ang makapal ang mukha! Akala mo kung sino ka dito, eh, isa ka lang sa mga pinagpapalipasan ni Jett!" ganting sigaw niya.

"Hayup ka!" Sinampal siya nito at doon siya na-distract. Nagawa tuloy siya nitong itulak. Nahulog siya sa swimming pool.

"Diyan ka nababagay! Puñeta kang muchacha ka!" Tumawa pa ito na tila bruha. Tiningnan niya ito nang matalim matapos paraanan ng mga palad ang mukha upang pahirin doon ang tubig.

"Ano'ng ginawa mo sa maid ko?" magkasalubong ang mga kilay na bungad ni Jett na halatang bagong gising.

"Ang kapal ng muha ng maid mo! Akala mo kung sinong makapagsalita sa akin! Ano bang—" Natigil ito nang makita ang inakto ni Jett. Dumukwang ito sa pool at iniumang ang kamay sa kanya upang tulungan siyang makaahon mula sa tubig. Nabuhayan siya ng loob. Akala niya ay pagagalitan siya nito sa ginawang pakikipag-away sa babae. Inabot niya ang kamay nito.

She saw Mara gritting her teeth. "Why did you help her? Hayaan mo siya riyan! Lulunurin ko pa 'yang muchachang 'yan!"

"Mara, will you please shut up? Wala kang karapatang gawin ito sa kanya. Hindi mo siya maid," matigas na sabi nito sa babae na ikinagulat niya uli. Ipinagtatanggol siya ni Jett sa babae nito? Unbelievable.

Napasinghap si Mara, hindi makapaniwalang napatitig sa binata. "Mas pinapaboran mo pa 'yang katulong mo kaysa sa akin?"

He snorted. "Tama na. Magbihis ka na at ihahatid na kita sa pinag-iwanan mo ng kotse mo."

"Ganoon lang iyon? Matapos akong pagsalitaan at saktan n'yan? Siya pa ang ipagtatanggol mo? Kabagu-bago lang niya."

"Hindi magagawa ni Leigh 'yang mga pinagsasasabi mo. Kung nangyari man ito, ikaw ang nagsimula. Tigilan na natin ito," pormal nang sabi nito at inabot ang braso ni Mara upang ipasok sa loob ng bahay ngunit tinabig ng babae ang kamay nito.

"I can't believe this! Magsama kayo ng maid mo!" singhal nito at tumakbo papasok ng bahay.

Inaasahan niyang susundan ito ni Jett ngunit nanatili lang itong nakatayo roon. Mayamaya ay napailing-iling ito. Napakislot siya sa kinatatayuan nang balingan nito. Nag-away ang dalawa nang dahil sa kanya. Malamang ay pagagalitan siya nito nang hindi kaharap ang modelo.

"Are you all right?" sa gulat niya ay itinanong nito.

"Ah... umm... opo, Sir," mahinang sagot niya.

"Pagpasensyahan mo na si Mara. Ganoon lang talaga iyon."

Muli siyang nag-angat ng mukha. "Okay lang po—" Natigilan siya sa pagsasalita. Nakatitig ito sa dibdib niyang bakat na bakat sa suot niyang uniporme dahil basa.

Nanghilakbot siya, hindi nakakilos upang takpan ang dibdib.

Bumaba pa ang mga mata nito at sinuyod ng tingin ang basang kabuuan niya. He smiled crookedly when he finally met her eyes.

"Very nice... magpalit ka na bago ko pa totohanin 'yung sinabi ni Mara," he teased then cocked his head, beckoning her to get inside the house. Saka pa lang siya nakakilos at nagmamadaling tinungo ang pasukan ng bahay mula sa lanai.

Hindi niya maintindihan ang kilabot na nadama nang maalala ang ginawa nitong pagsuyod ng tingin sa kanyang kabuuan. She could swear she saw desire in his eyes! Mayamaya ay napangiti siya. Come to think of it, naitaboy na niyang lahat ng flings nito. Luka-luka na lang ang babaeng lalapit dito.

She could smell success. In fact, she could write a story now about the disaster that was his womanizing life. But that could wait. May isa pa siyang misyon: Ang ma-realize nito ang mga pagkakamali at baguhin nito ang sarili. Nang sa gayon ay wala nang nineteen-year old na masira ang buhay nang dahil dito. That was her undercover job's real goal.


Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon