NANG matapos ang first half ay nahahapong umupo si Jett sa bench. It has been six days simula nang makausap niya si Larissa. Parati siyang walang konsentrasyon sa paglalaro. Pinapansin na iyon ng kanilang coach na dati ay puro papuri ang ibinibigay sa kanya. Maski si Reyan na hindi niya kinakausap simula nang magkabanggan sila dahil kay Leigh ay nagpapakita na rin ng concern sa kanya. Wala siyang pinagsasabihan tungkol sa kanyang problema. Basahin na lang nila sa FEM ang lahat.
Hell, but he missed Leigh so much. Hindi niya mapaniwalaang maaari siyang makadama ng ganoon katindi sa isang babae. At sa babae pang nanloko sa kanya. Babaero siya pero wala siyang pinaasa isa man. Una pa lang ay alam na ng mga ito ang score at pumapayag sila.
That was the reason why he did not do the same to Leigh. Because deep in his heart, he knew from the start that what he felt for her was special. Pero hindi niya masabi. Hindi niya alam kung paano sasabihin. Bago sa kanya ang damdaming iyon kaya hindi niya alam kung paano pakikibagayan. He decided to show her how he felt instead. He would propose to her, he promised.
But she was out of his life now.
Nagulat na lang siya nang may mahulog na bagay sa kandungan niya. Lumusot iyon sa pagitan ng magkahiwalay niyang mga binti. He saw a magazine on the floor. Siya ang nasa cover. Then he realized it was FEM. The issue that would unfold all his secrets to the public. Everybody would surely laugh at him.
"Ba't hindi mo damputin?"
Nang mag-angat siya ng tingin ay muli niyang nakita si Larissa. "Do you want me to read how your sister made fun of me? That's cruel."
Sa kabiglaan niya ay ito na ang dumampot ng magazine at naupo sa tabi niya. Binuklat nito iyon at iniabot sa kanya. "Ba't hindi mo na lang basahin? Di ba, I promised to come back with a proof na mahal ka ni Ate? Iyan na 'yon."
Nangunot ang noo niya at ibinaba ang paningin sa magazine.
MAID IN LOVE
By Lailani Legaspi
I posed as a maid to change this womanizer, but I was the one changed by him. I screwed up my undercover job as I fell in love...
He scanned the whole article. Hindi halos siya humihinga. At nang matapos ay muli siyang tumingin kay Larissa. Nakangiti ito.
Leigh loves me! Nasagot ng article na iyon ang lahat ng tanong niya. Pero madaling magduda ang nasugatan nang puso. "She's just trying to sell the magazine."
"Eh, siraulo ka pala, eh! You're the one who's cruel. I can't believe I swooned over you before, you bastard!" Padabog na tumayo si Larissa.
Hinila niya ang braso nito. "Wait!" Tumingin ito sa kanya. "Totoo ba talaga ito?" buong pag-asam na tanong niya.
"If it's not, then sue her for libel," pairap na sagotnito.
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...