Final Part

26.4K 772 61
                                    



"KANINA ko pa kayo hinihintay, Sir..."

Napamaang si Jett. Napako ang mga paa nito sa main door. Nabitiwan nito ang bag. Napangiti si Lailani. Kanina pa siya nasa bahay nito. Nang mag-text si Larissa kanina upang sabihin na mahal pa rin siya ni Jett, pumunta kaagad siya sa bahay nito. She still had his house keys. May rason pala kung bakit nadala niya iyon nang hindi sinasadya.

Hindi niya alam ang ginawang pakikipagkita ng kapatid kay Jett. Ninakaw rin ni Larissa ang complimentary copy niya ng bagong issue ng FEM na wala pa sa market. Nagpasalamat na rin siya sa pakikialam nito. Sinaway niya ito nang sabihing isasama ang binata pauwi sa kanila upang magkaayos sila. She had her own plan.

"Leigh..." sambit nito. Pinigil niya ang sariling takbuhin ay yakapin ito. It had been only a week and a few days but it seemed like years. She missed him so much.

Pinalantsa niya ng kamay ang unipormeng suot. She was willing to be his maid again just to pay all the heartaches she had caused him. Or just to be with him again. "Nilinis ko na po itong bahay n'yong malapit nang tubuan ng ahas sa dumi. Pero kahit napagod ako, okay lang. Kasi wala akong nakitang nakakalat na condoms sa sahig ng kuwarto n'yo, Sir..."

His lips twisted up in a smile. "I quit on womanizing since the first time I kissed you..."

Lumabi siya. "Sinungaling. Nakita ko kayong umakyat ni Mara sa silid mo."

"May nakita ka bang condoms sa sahig ng kuwarto ko kinabukasan? You know I always use protection. No protection, no sex. Ginising pa kita para lang magpabili dati, remember? Walang nangyari sa amin ni Mara that night."

"No protection, no sex? Kaya pala minsan hindi ka gumamit when we... when we..." Pinamulahan siya ng mukha sa gustong sabihin. "Sinungaling ka pa rin."

Naging mapanukso ang ngiti nito. "Iyon ang gusto kong tingnan mo. I wanted to prove that when it comes to you, it's not just sex. We're making love. And the first time I ever made love was with you. You should know why..." Namumula pa rin ang kanyang mukha nang maramdaman ang paghaplos nito sa pisngi niya. "I was ready for the consequences. I knew it would be okay if I got you pregnant. I was ready to take the responsibility. Because..."

Tumingin siya rito nang may pag-asam. Gusto niyang marinig mula rito na mahal siya nito. But he didn't utter a word. He kissed her hungrily instead. She clung to him and returned his kisses.

"That's sexual harassment, Sir," panunukso niya nang sa wakas ay bitiwan ang mga labi niya.

Tumawa ito at lalo pa siyang hinapit. "Sue me. For multiple rape, dahil susulitin ko ang lahat ng araw na wala ka dito. God, Baby, I missed you like hell, alam mo ba 'yon?"

She could swear her heart was leaping. Sa sobrang saya, nag-init ang sulok ng mga mata niya.

"Hey, why are you crying? Hindi pa naman kita nire-rape, ah," biro nito.

She laughed. "Kaya nga ako umiiyak, ang tagal kasi..."

Tumawa ito. "Demanding kang rape victim, ha, mamaya ka sa 'kin. I won't let you sleep. Pagkatapos mo akong tigangin ng ilang araw, you deserve a punishment."

"I'm sorry..." tukoy niya mga kasalanan dito, "for hurting you..."

"You know what? Wala ka talagang dapat pagsisihan sa pagpapanggap bilang maid. If not for it, hindi tayo nagkakilala, nagkalapit. So, I'd like to thank you for believing in your lunatic but nice sister. Hindi mo siguro naisipang gawin ang undercover job na iyon kung hindi dahil sa galit mo sa 'kin. Thank you for driving all those women away. Hindi mo lang alam, pabor sa 'kin 'yung ginawa mo. Thank you for changing me. Thank you for making me happy and making me feel this wonderful feeling that is so new to me... in short, thanks for plotting against me." They laughed.

"Now, do you want to continue your unfinished monologue a while ago just before you kissed me?" tanong niya. Her eyes were sparkling.

He smiled naughtily. "Sa kuwarto ko na ang karugtong n'un. They say action speaks louder than words."

Kinurot niya ito sa tagiliran. "Eh, di 'wag! I'll continue for you then. I love you, Sir Jett. I'm willing to be your slave forever. Just promise to pay me on time. I can only accept love as payment."

Kumislap ang mga mata nito sa sinabi niya. Muli siya nitong hinagkan nang mariin.

"I love you, Leigh, Lai, whoever you are. I loved you as a maid, and I will love you whoever you want to be. Hindi mo lang alam, I'm originally your slave. Takot pa 'ko sa suntok mo."

"Yeah, right. Subukan mo lang mambabae uli at mabubura 'yang kaguwapuhan mo."

"I won't do it. Hindi ko na kailangan ng maraming babae ngayon. Kasi ikaw lang, sapat na." And he claimed her lips again.

"Sir Jett! Leigh?"

Napabitiw sila sa isa't-isa at nilingon ang nagsalita.

Nakatayo sa doorway ang nanlalaki ang mga matang si Mila. Sa paanan nito ay isang malaking bag.


NOTE: Kung sakali na ma-reprint ang book na ito, I will announce it. Mababasa n'yo dun yung deleted scenes. Syempre mas maganda na buong-buo n'yong mabasa. Thank you for reading and don't forget to hit vote! :) -- <3Yngrid

UPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon