Part 9

13.6K 347 3
                                    


TATLO na lang ang laman ng condom canister sa bedside table ng amo nang silipin iyon ni Larissa. Pigil pa ang paghinga niya nang silipin iyon. Of course, nakakita na siya ng condoms. Ngunit hindi pa siya nakakahawak ng ganoon sa tanang buhay niya.

Kailangan na niyang bumili ng reserba. Nabitiwan niya ang hawak na walis nang makapag-isip. Siya? Bibili ng condom? Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa nagtitinda? Kababaeng tao, bumibili ng condoms?

Teka, ba't ako bibili? I'm here to end his womanizing. Ano kaya ang mangyayari kapag pinabayaan niyang walang laman ang canister? Magwawala kaya talaga ito tulad ng sabi ni Mila? Hindi ba't sinabi rin ni Mila na may isang pagkakataon na hindi natuloy ang pakikipagtalik nito dahil naubusan ito ng stock?

Good idea. She would leave the canister empty for once. Hindi naman siguro siya nito palalayasin dahil lang sa kauna-unahang pagkakamali ng isang baguhang katulong.

Ilang sandali pa ay abala na siya sa paglilinis ng silid nito. Nang mahapo ay umupo siya sa kama. Iyon ang unang araw niya bilang maid at tila nagrereklamo na kaagad ang kanyang katawan sa dami ng trabaho.

Iwinawasiwas niya ang sumasakit nang mga daliri nang matuon ang kanyang pansin sa laundry basket. Biglang pumasok sa isip niya si Weena at ang ipinangako dito. Ang used boxers!

Nakakuha na siya ng mga shirtless pictures nito para kay Weena. Napakadali palang maipakulam ng halimaw na iyon kung kaya ng konsensya niya. Napakarami nitong larawan. Ang sarap sunugin lahat.

Mabibigat ang mga paang nilapitan niya ang laundry basket at napapangiwing hinanap doon ang pakay. 

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon