Part 22

13.1K 342 4
                                    


LAILANI was gritting her teeth while looking at herself on the mirror. She could not stand what Jett had asked her to wear. Napaka-sexy ng damit na iyon at sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakapagsusuot ng ganoon. Laman siya ng social gatherings ng mga elite dahil sa linya ng trabaho niya at hindi siya nahuhuli sa fashion. Marami siyang evening gowns and party dresses sa bahay. Ngunit walang kasing-daring ng suot niya ngayon.

Hindi niya kayang lumabas sa silid at pagbigyan na naman ang amo sa panibagong palabas para lang ma-save ang colossal ego nito.

Hinubad niya ang red three-inch heels at nakatapak na muling tinungo ang dresser. Sinabihan pa siya nitong mag-makeup kung marunong siya. Natural na marunong siya dahil siya lang ang nagme-makeup sa sarili sa tuwing aatend siya ng parties. She had to look good. Sa tingin ba nito ay wala siyang alam? Naalala tuloy niya ang sinabi nito nang umuwi ito nang araw na dumating si Mrs. Alcaraz.

"I still can't believe na tuwang-tuwa sa 'yo si Mama. Knowing my mother, hindi siya madaling na-i-impress. To think na akala ko ay masasayang ang palabas ko kanina oras na makausap ka na niya. I thought you were going to mess up my show but surprisingly, you've nailed it. Ano'ng ginawa mo?"

Akala ba nito porque katulong ay tatanga-tanga na? Masyado yatang maliit ang tingin nito sa mga maid. Kahit hindi siya totoong katulong ay nasaktan pa rin siya.

Hindi ako pumapatol sa mga maid ko...

Puwes, patutunayan niyang hindi siya katulad ng iniisip nito. Hindi siya tanga. At mas lalong hindi siya pangit para hindi patulan ng taong may mas mataas na antas ng pamumuhay. She decided to go on with his plan. She will teach him a lesson or two tonight.

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon