NANGUNOT ang noo ni Jett nang may naabutan siyang babaeng nakatayo sa labas ng kanyang gate.
"Jett!" tawag pa nito. Napabuntunghininga siya nang maalala kung sino ito. Mangungulit na naman ba ang teenager na ito?
"Ano'ng kailangan mo?" aniya nang mabuksan na ang dalawang dahon ng gate. Wala na siyang maid. Wala pa rin si Mila. At kahit dumating ito ay hindi na niya ito tatanggapin matapos ang ginawa nitong pagsuporta sa pagpapanggap ni Leigh. He couldn't care less about what Leigh did to make Mila agree to her scheme. Kaya wala nang magbubukas at magsasara ng gate para sa kanya. His place was a total mess at wala siyang pakialam. Kung hindi lang dahil sa practice at laro ay hindi siya aalis ng bahay. He would rather drink the whole day.
Walang kamalay-malay ang mga magulang sa mga nangyayari sa kanya. O sa nangyari sa kanilang dalawa ni Leigh. Maaga siyang umalis sa party matapos makausap ang dalaga sa library habang nagkakasayahan sa labas. Nag-check in siya sa hotel. Inakala niyang tatawag ang kanyang ina upang itanong kung ano ang nangyari at iniwan niya si Leigh sa party. Ngunit wala siyang natanggap na tawag. Nang dumalaw siya kinabukasan sa mansion ay napatunayan niyang walang alam ang pamilya niya sa nangyari.
Ganoon kagaling si Leigh. Why not, Associate Editor pala ito ng FEM batay sa kopya ng magazine sa hotel room na tinuluyan niya. Nakagawa ito ng pulidong excuse para sa kanila. Nagpapasalamat na rin siya at napakagaling talaga ng dalagang gumawa ng kuwento dahil nag-alala siya sa kanyang lola. Mabuti at naisip din nito kahit paano ang kalagayan ng matanda.
"I'm Larissa, remember me?" anang babae nang makalapit.
Tumango lang siya at tumingin sa wrist watch. "What do you want? I'm in a hurry."
"I'm Lailani's sister," nakatungong sagot nito.
Bahagya siyang napamaang sa sinabi nito. Leigh's sister? Ang makulit na ito? What a small world!
"I'm the reason kung bakit nagpanggap siyang maid. Ako ang dahilan kung bakit siya galit sa 'yo at binalak kang paghigantihan sa pamamagitan ng paggawa ng istorya tungkol sa 'yo."
Nagsalubong ang mga kilay niya. What is this brat talking about?
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...