PINAGPAG ni Lailani ang maong na nadikit sa isda kaninang namimili siya sa palengke. Malansa at maingay sa palengke pero mas gusto niyang magtagal doon kaysa umuwi at makita si Jett.
Ang hayup na iyon. Wala talaga itong kasing sama.
Hindi na sana niya gustong maalala pa ang nangyari kahapon sa pool ngunit hindi mawaglit-waglit sa isip niya.
"This pool must be hitting on you. Palagi ka na lang nahuhulog dito," komento ni Jett. Ipinatong nito ang kamay sa edge ng pool matapos hawiin ang buhok na tumatabing sa mukha nito. Nakakulong siya sa mga bisig nito. Nakadikit na ang kanyang likod sa gilid ng pool at ang mga braso nito ay nakaharang sa dalawa niyang gilid. Napakalakas ng kabog sa dibdib niya. They were so close. Natatakot siya sa kung anong maaaring gawin nito.
"S-Sir... " Hindi man niya gusto ay sinalubong niya ang mga mata nito. Kapag yumuko siya ay baka lalo itong hindi mangimi na gawan siya ng kalokohan.
But she could not stand his hot gaze any longer. Gusto na niyang mag-iwas ng tingin.
"I guess I couldn't blame this pool, you look hotter when you're wet..." It was almost a whisper. A whisper that came from his twisted mouth. A mouth that was getting nearer to hers. And perhaps, would have ended up crushing hers had she not pushed him.
Hindi siya nagagalit nang dahil doon. Ang totoong nagpagalit sa kanya ay ang sinabi nito pagkatapos....
"Did you really think na hahalikan kita?" Tumawa ito nang malakas. "I was just teasing you. Hindi ako pumapatol sa maid ko." Muli itong tumawa. Aliw na aliw ito sa reaksyon niya.
Hindi pumapatol sa maid! Napakayabang ng walanghiya!
"O, bayad," maasim na sabi niya sa driver ng tricycle na tila nabigla sa tono niya. Iyon ang sinakyan niya galing palengke.
Pati tuloy walang kamalay-malay ay napagdidiskitahan niya dahil sa inis sa amo. Parang gusto niyang magsisi na itinaboy niya ang lahat ng babae nito. Walang magawa ang hudas. Walang available playmate kaya siya ngayon ang pinaglalaruan.
Sa gilid siya ng bahay nagdaan patungo ng kusina. Inilalagay na niya sa ref ang mga pinamili nang may marinig siyang kausap ni Jett. Babae. Pero may katandaan na ang boses. Napamulagat siya. Pati ba matrona, pinapatulan nito?
Natukso siyang sumilip sa sala. Ngunit ang mga mata niya ay tumama sa malapad na dibdib ni Jett. Patungo pala ito ng kusina.
"O, nand'yan ka na pala," anito at ngumiti pagkatapos ay sinaklit ang braso niya. Nabigla siya. "Sumakay ka na lang sa lahat ng sasabihin ko, ha." Iyon lang at hinila na siya nito sa sala.
"Ma, here she is, si Leigh," bungad kaagad nito sa babaeng may-ari ng tinig na narinig niya kanina. "Leigh, meet my mother."
Mama pala ni Jett ang babae. Pinagalitan niya ang sarili sa pag-iisip nang masama kanina tungkol sa ginang. Tinitigan siya nito at sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka-plain small tee lang siya at simpleng maong gaya ng natural na get-up ng isang katulong kapag umaalis ng bahay. Naka-pony tail ang medium-length niyang buhok. Siyempre pa, wala siyang ka-makeup-makeup. Bakit kailangan pa siyang ipakilala ni Jett sa ina nito? Bahagya na lang siyang yumukod dito at bumati.
Bahagyang lumamlam ang mga mata ng nasa early fifties na babae. Pagkatapos ay tinanguan siya.
"Hijo..." tila nahihirapan ang loob na sambit nito.
Napatingin siya kay Jett. Sakyan daw niya kung ano ang sasabihin nito. Paano niya sasakyan, gayong hindi niya alam ang nangyayari? Tumingin din ito sa kanya at sa gulat niya ay inakbayan siya nito at idinikit sa sarili. Anong palabas ito?
"Bakit, Ma? Hindi mo ba gusto si Leigh para sa 'kin?"
Saka pa lang niya nakuha ang palabas nito. Pinagpapanggap siya nitong nobya. Gusto niyang sipain ang mukha nito.
Bigla niyang naalala si Lindsay. Isang beses pa lang niya itong nakausap sa telepono pero palagay niya ay mabait ito. Bakit siya pinagpapanggap ni Jett kung mayroon itong totoong nobya?
"Hijo, hindi naman sa ganoon kaya lang hindi tama ang ginagawa mo," malungkot na sabi ng ginang.
"At ano'ng tama, Ma? Ang ipilit n'yo ako ni Papa sa babaeng hindi ko mahal? Iyon ba?" seryosong sabi ni Jett.
Si Lindsay ba ang tinutukoy nito?
"Jett, akala ko ba napag-usapan na natin ang tungkol sa pagpapakasal mo kay Lindsay? Hindi ba't pumayag ka na?"
"I don't remember ever agreeing to your grand plans, Ma. Kayo ang nagdesisyon ni Papa sa bagay na iyan, remember?"
"Kung ganoon ay bakit ngayon ka lang nagkakaganyan? Bakit ngayon pang malapit na ang kasal ninyo ni Lindsay?"
"That's precisely why, Ma. Malapit na. And I've been thinking a lot about it these past few days. Lalo akong nasasakal. I tried to be passive for a long time. Hinayaan ko kayo ni Papa sa ginagawa n'yong pagdedesisyon para sa akin. But haven't you noticed that up to now I'm rebelling against it? Ang mga pambababae ko, hindi pa ba sapat para makita n'yo na hindi ako nararapat kay Lindsay? I won't be a good husband to her.
"I womanized a lot just to make you change your minds. To make you realize that I have nothing to offer her. But time is up, Ma. Tapos na ang pananahimik ko. I decided that I don't want get hitched just because of that damned promise Tito Ramon and Papa made when we were just little kids. Get real, Ma. Marriage without love doesn't work."
She was just staring at him all throughout his piece. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman. Nambababae ito out of rebellion?
"And one more thing, kapag nagpakasal kami ni Lindsay ay natural na sa States kami titira dahil hindi siya puwede sa klima rito. Ayoko nang bumalik sa States." At nabigla siya nang hapitin pa nitong lalo. "And most importantly, I've found the girl I want to marry. Siya ang dahilan kung bakit kailangan ko nang kumawala sa manipulasyon ni Papa. I love her."
Nakatitig pa rin siya rito, nakaawang ang mga labi. Hindi niya alam kung bakit tila naapektuhan siya sa mga sinabi nito. Masarap pala sa feeling ang masangkot sa ganoong eksena. Iyong tipong ipinaglalaban ng lalaki kahit tutol pa ang mga magulang nito. Na wala itong ibang pakakasalan kundi siya lang.
Teka, ano ba ang iniisip niya? Palabas lang ang lahat. Scripted lang ang mga pinagsasasabi nito at lalong-lalong hinding-hindi niya papangarapin ang ganitong klase ng lalaki. At isa pa, hindi ang tipo nito ang gagawa nang ganoon.
Misty-eyed na ang ina ni Jett. Unsyaming-unsyami marahil ito dahil hindi siya mayamang tulad ng mga ito o sosyal gaya ni Lindsay.
"Oh, Hijo. I'm so happy for you. Natagpuan mo na ang totoong pag-ibig. Kaya ba nagkagulo ang dati mong mga flings? Dahil ba sa kanya? Hindi nila matanggap na nahanap mo na ang babaeng seseryosohin mo? Oh, Hijo," masaya ngunit maluha-luhang sambit ng ina ni Jett bago lumapit sa anak at yakapin ito. Napaatras siya.
Napangiti si Jett. Tusong-ngiti. Kinindatan siya nito. Pati sariling ina ay naloloko nito. "Thanks, Ma. Salamat at naintindihan mo ako."
"I'm your mother and I just want what's the best for you," sabi nito nang bumitiw sa anak. "Kaya ko lang inayunan ang gusto ng ama mo ay dahil alam kong magiging mabuting asawa sa 'yo si Lindsay. Huwag kang mag-alala, Anak. Susubukan kong ipaliwanag sa iyong papa ang lahat. Hindi iyon magiging madali. At kailangang makilala muna niya si Leigh." Bumaling ito sa kanya at sa gulat niya ay niyakap din siya nito.
"Oh, Hija, I want to talk to you alone. Come," anito at hinila na siya sa braso.
Pinandilatan niya si Jett, humihingi ng saklolo.
Tila nabigla rin ito sa ginawi ng ina. Hinila nito ang isang kamay niya. "Ma, kararating lang ni Leigh. Namili kasi siya. Pagod siya. Baka puwedeng mamaya na lang kapag nakapahinga na siya."
Ngumiti ang ginang. Hindi pa rin nito binitiwan ang kamay niya. Para tuloy siyang ginawang lubid ng tug-of-war ng mga ito. "Don't worry, Hijo. Pauupuin ko lang siya. Hindi siya mapapagod sa pakikipagkuwentuhan." Wala nang nagawa si Jett.
Nakagat na lang niya ang labi. Napasapo sa noo si Jett.
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...