Nakaimpake na ang lahat ng mga gamit ni Lailani. Aalis na siya sa bahay na iyon. Hindi na niya hihintayin pang palayasin siya ng amu-amuhan matapos ang ginawa niya rito kagabi para makaganti sa masamang palabas nito.
Sinuntok niya ito sa mukha nang kumatok ito sa kanyang silid at pagbuksan niya. Pagkatapos ay muli niya itong pinagsarhan ng pinto. He deserved it. Kulang pa nga iyon.
"Leigh, I'll let this go tonight. Mag-uusap tayo bukas!"
Yes. She would talk to him this day. Bago siya umalis. Hindi sa malakas na pagsapak dito nagtatapos ang ganti niya.
Naabutan niya ito sa sala. Tumayo ito nang makita siya at nangunot ang noo sa malaking bag na dala niya. Nilapitan siya nito.
Paranoid na napaatras pa siya nang kaunti nang tumigil ito sa harapan niya. Sinalubong niya ang nagtatanong nitong mga mata ng tinging puno ng pagkasuklam.
"Ano'ng ibig sabihin n'yan?" magkasalubong ang mga kilay na tanong nito.
"Aalis na ako," matigas na sagot niya.
"What?" He snorted. "Come on, Leigh. Was it about last night?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang magpatuloy. Lumambot ang tinig. "Nakaganti ka na, ah." Hinimas pa nito ang pangang namumula pa hanggang ngayon. "I'm sorry."
"Sorry mo mukha mo!" Pinagtakpan ng singhal na iyon ang pag-iinit ng mga pisngi sa pagpapaalala nito sa nangyari. Hindi na siya magpipigil na tarayan ito. Hindi na niya ito amo ngayon. Ngayon niya lang mailalabas ang galit niya ritong pinakatagu-tago sa duration ng pagtira niya roon. "Hindi makukuha ng sorry ang ginawa mo. Binastos mo 'ko. Hintayin mo na lang ang subpoena mo." At muli na niyang dinampot ang malaking bag.
"Ano?" Tila nabigla ito sa sinabi niya. "Did you say subpoena?"
"Oo. Idedemanda kita ng sexual harassment," taas-noong sabi niya.
"You can't do that."
"Bakit hindi? Porque ba katulong lang ako at wala akong pera? Kukuha ako ng abugado na libre. O kaya, magpapa-interview ako sa TV."
Napanganga ito. "You can't do that."
"Hinahamon mo ba 'ko?"
Nakita niya ang pag-iigtingan ng bagang nito. He was about to say something when the phone rang. Hindi siya tuminag sa kinatatayuan niya. Hindi na siya katulong doon para sagutin pa ang telepono nito. Napilitan itong tunguhin ang telepono.
"O, Ma.... what? Why?" gulilat na tanong nito sa kausap. "Okay, pupunta na 'ko d'yan."
Nahuli siya nitong nakamasid dito.
"Mamaya na tayo mag-usap. Isinugod sa hospital ang lola ko. Inatake." Nagmamadali itong lumabas ng bahay upang tunguhin ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...