Part 36

14.1K 364 4
                                    


"NAG-ENJOY ka ba?" tanong ni Reyan nang pumasok ito sa gate bago pa man niya iyon maisara matapos magpaalam dito. Tila wala siya sa sarili dahil sa ipinagtapat ni Larissa kaya hinayaan na lang niya si Reyan na makapasok sa gate.

Hindi siya makapaniwala sa rebelasyon ng kapatid. Oras na makauwi siya ay sasamain ito sa kanya. That lunatic sister of hers! Hindi siya makapaniwalang pati siya ay naging biktima ng pagka-autistic nito. Parang gusto niyang himatayin sa sinabi nito.

"I was stalking him for quite sometime bago ko siya napapayag na makipag-date sa akin. Pero hindi niya ako sinipot. Napahiya ako sa mga friends ko dahil they were watching from a distance habang naghihintay ako. Kukuhanan dapat nila kami ni Jett ng video at pictures sa phone ko para maipagyabang ko sa mga schoolmates namin. I was so mad and embarrassed.

"Pinaasa niya lang ako. And then you jumped into the wrong conclusion nang sabihin ko sa 'yo. Hindi ko nilinaw because I was still upset about it at the time and... I liked what you were thinking then. Sinakyan na lang kita. I intended to tell you the truth later on.

"Ate, how could you think the worst of your only sister? But I'm sorry for pulling a prank on you. Hindi ko akalaing ganito ka ka-concerned sa akin. Na ganito mo ako kamahal para ipaghiganti ako. I'm so sorry, Ate. Please stop this. Walang kasalanan si Jett..."

Walang kasalanan si Jett! Parang gusto niya ring magbasag o parang mas magandang basagin ang mukha ni Larissa. Nagtanim siya ng galit sa taong wala naman palang kasalanan sa kanila. Nagplano siya nang masama. Pinasama niya ang loob ng mga kabaro niyang nahuhumaling kay Jett. Nasira ang career ng mga babaeng iyon. She felt so bad.

Pati siya nasaktan. She was hurting now because she was feeling something for Jett and she was jealous of Mara. Hindi sana niya nararamdaman iyon ngayon kung hindi dahil sa kapatid.

"Hey," untag ni Reyan.

Napakislot siya. "Ha?"

"Tinatanong kita kung nag-enjoy ka ba," ulit nito, nakangiti.

It would be rude to tell him she did not enjoy herself. Truth was, sa loob ng mga oras na magkasama sila ay si Jett lang ang nasa isip niya. Kung kasama nito si Mara. O ibang babae kaya. Marahil pagpasok niya sa loob ng bahay ay may kasama ito roon ngayon. She was hurt by the thought. Tumango na lang siya. "Salamat, Reyan. Goodnight."

"Okay, goodnight," anito ngunit hindi pa rin kumilos upang lumabas ng gate. Sa gulat niya ay lumapit pa ito nang husto. Napasandal siya sa gate. Kinabahan na siya sa natunugan niyang gusto nitong gawin ngunit bago pa siya makakilos upang umiwas ay mahigpit siya nitong hinawakan sa mga balikat at hinagkan.

Mabuti na lang at naiiwas niya ang mukha kahit papaano. His lips landed on her cheek. Nagulat na lang siya nang may kamay na humila kay Reyan upang makalaya siya rito. Si Jett!

Sinuntok nito si Reyan. Gumanti ang huli. Nagsuntukan ang dalawa. Nataranta siya sa kung ano ang gagawin upang maawat ang mga ito. Ngunit nang makita niya si Jett na bumagsak sa Bermuda grass, alam na niya kung anong gagawin. Iniharang niya ang sarili sa papalapit na atake ni Reyan. Napahinto ang lalaki.

"Umalis ka d'yan, Leigh," utos nito. Nag-iigtingan ang mga bagang nito tulad ni Jett.

"Hindi! Ikaw ang umalis. Bago ka pa makatikim sa akin," galit na singhal niya rito.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Ah, talagang hinahamon mo 'ko?" Inundayan niya ito ng suntok sa panga. "Iyan! Para sa ginawa mo kay Jett." At muli niya itong sinapak. Nasapo nito ang magkabilang panga. "At iyan, para sa ginawa mo sa 'kin kanina!"

He threw her a sneer. "I'll let you get away with this dahil babae ka." Tinapunan nito ng matalim na tingin si Jett. "Pare, I'll deal with you later." Tumalikod na ito.

Dinaluhan niya si Jett. Alam niyang nakainom ang lalaki dahil amoy-alak ito. Kaya marahil ito napabagsak ni Reyan. May munting sugat at dugo ito sa gilid ng mga labi at namumula ang panga. "Jett... Sir, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Okay lang," anito. Inalalayan niya itong makatayo at makalakad papasok sa bahay. Sa sofa sila kapwa pabagsak na napaupo. Dali-dali niyang tinungo ang medicine cabinet upang kumuha ng bulak at alcohol. Mayamaya pa ay ginagamot na niya ang sugat nito. Napapangiwi ito.

Hinawakan nito ang kanyang braso upang ilayo ang bulak sa mukha. "Hindi ko kailangan 'yan."

"Pero kailangang magamot ng sugat mo."

"Para 'yan lang. That's nothing. I don't need that, what I need is your explanation. Bakit sumama ka kay Reyan? I told you not to." Malumanay iyon ngunit may himig ng galit sa tinig nito.

Bigla tuloy niyang naalala ang dahilan ng pagsuway niya. Ang panloloko nito sa lola nito. Si Mara. At ang sakit na idinulot ng nagdaang gabing kasama nito ang babae. Sa inis na muling bumangon sa dibdib ay idiniin pa niya ang bulak sa sugat nito. Napa-aray ito sa hapdi. "Nothing pala, ah. O, ayan pa, ayan pa." Pinakadiin-diinan pa niya ang bulak. Lalo itong napa-aray.

Muli nitong hinuli ang braso niya. "Leigh!" saway nito nang muli siyang magpilit na ilapat ang bulak sa sugat. Hinagip nito ang bulak at itinapon sa kung saan.

"Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko?" he asked impatiently.

"Bakit naman ho, Sir? Day-off ko ngayon kaya wala dapat kayong pakialam sa 'kin."

"Napahamak ka tuloy sa katigasan ng ulo mo," panenermon nito. "That Reyan! I'll kill him kapag nakita ko iyon bukas."

"Napahamak? Ikaw nga itong napahamak, eh. Bakit ka pa kasi nakialam? Kaya ko naman ang sarili ko. Nakita mo ba kung paano ko binangas ang mukha niya kanina na hindi niya ako nagawang gantihan kahit isang pitik?"

"Kaya mo pala! He kissed you, dammit!" galit na sabi nito.

"Hindi niya ako nahalikan dahil nakaiwas ako. Hindi ka na kasi dapat nakigulo, 'ayan tuloy ang napala mo. Ang lakas ng loob mong makipagsuntukan, lasing ka naman." She rolled her eyes.

"Hah! Thanks a lot at iniligtas mo ako sa kanya." He snorted in disbelief. "I can't believe this!" Pumikit ito at isinandal ang ulo sa headrest ng sofa.

Tila na-guilty siya sa mga sinabi. Dahil sa kanya ay nagkapasa at sugat ito sa mukha. May laro pa naman ito bukas ng gabi at dadalaw pa sila sa bahay ng mga magulang nito bukas ng umaga. Kasalanan niya ang lahat. Hindi lang ang tungkol sa nangyari kanina. Ang lahat simula nang dumating siya sa bahay na iyon upang magpanggap na maid. Now she hated herself even more.

"I'm sorry," aniya sa mababang tinig. Hindi na niya isusulat ang istorya nito. Hindi na talaga.

Dumilat ito. He stared at her. Sinalubong niya ang mga mata nito kahit sa tingin niya ay siya ang matatalo sakaling patagalan iyon ng titig. He looked at her as if begging for something. And when his eyes moved down her lips and he swallowed hard, she thought she stopped breathing. He was going to kiss her! God, how she wanted him to do just that. Mali. Ayaw niyang mapahamak. Kailangan na niyang lumayo at iligtas ang sarili bago pa man mawala ang matinong kaisipang nanganganib nang matunaw ng mga titig nito.

Iniwas niya ang tingin at nagtangkang tumayo ngunit hinila nito ang braso niya kaya muli siyang napaupo. This time, siya ang napasandal sa backrest ng sofa. Hindi pa rin nito binitiwan ang braso niya. Their eyes met again.

"I know I promised I won't touch you ever again," he whispered. "But I can't keep that promise anymore. I want you, Leigh. I want you so bad..." Then his mouth claimed hers in a hungry kiss that made her remaining sanity fly out the window.

"Kiss me back, Baby... Please kiss me back," he begged. And she did. She returned his kisses hotly, eagerly as he was kissing her. He groaned in pleasure.

She did not stop him when his hands roamed over her body. Nor when he carried her to his room without breaking their passionate kiss. And she gave herself to him completely because she could finally admit one thing.

She loved him. 

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon