HINDI talaga maintindihan ni Leigh kung bakit nagalit si Jett nang makita siyang nakikipag-usap sa teammate nito. Pinapasok pa siya nito sa silid niya kahit hindi pa tapos ang kanyang trabaho sa kusina. Ano'ng problema n'un?
Lumabas siya ng silid nang marinig ang papalayong mga sasakyan. Tinanaw pa niya si Jett na nakatalungko sa table sa garden bago niya tinungo ang gate upang isara. Nilapitan na rin niya ito pagkatapos. Hindi upang pansinin ito o gisingin kung nakatulog na o anupaman. Kailangan kasi niyang linisin ang lugar na iyon. Nagulat siya nang magsalita ito nang patapos na siya sa pagliligpit.
"'Wag kang papayag na makipag-date kay Reyan, ah," bilin nito sa tonong lasing.
She rolled her eyes. "Bakit ako makikipag-date, eh, hindi naman ako niyaya?"
"Pinagpaalam ka niya sa akin. I told him no."
"At bakit naman kayo ang nagdedesisyon para sa akin?"
Hinilamusan nito ng palad ang mukha. "Dahil loko 'yon. Nagpapanggap lang na matino."
Palagay ko nga. Palibhasa kasi birds of the same feather, flock together... Alam na niya ang balak ni Reyan nang lapitan siya kanina sa kusina. Ah, men! Same old stinking styles...
"Eh, ano sa inyo kung loko siya? 'Wag n'yong sabihing concerned kayo sa akin?"
"Yes, I'm concerned for you, okay? Gagawin ka lang kept woman niyon pagkatapos iiwan ka."
Parang hindi nito ginagawa ang ganoong bagay sa mga babae kung makapagsalita. Iiwan na sana niya ito nang matapos magligpit nang tawagin siya nito.
"Leigh, could you help me stand up? Hindi ko kaya ang sarili ko. Please help me get to my room."
Napasimangot siya. Lalasing-lasing tapos hindi pala kaya. Iniakbay niya ang braso nito sa balikat niya. Nang marating nila ang kama nito ay napasama siya sa pagbagsak nito roon.
She landed on top of him. And she shuddered at the thought and feel of it. Their eyes locked. Their lips were a few inches away from each other's. And memories of her first kiss quickly flashed on her mind. It felt so brutally sensual. And again, that strange feeling rushed back.
Nalito siya sa damdaming iyon. She was confusedbecause she realized she liked the feel of it. She liked being close to him.And damn her, but she wanted to feel his kiss again. She closed her eyes whenshe thought he was lifting his head to touch his lips with hers
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...