Part 40

13.4K 339 9
                                    


NASAMANSION na sila ng mga Alcaraz upang dumalo sa anniversary party ng mga magulang ni Jett. Ipinakilala siya ng binata sa mga kamag-anak nito. Umani siya ng papuri sa mga iyon. Tila proud na proud sa kanya ang binata. Hindi siya nito hinihiwalayan. They were happy until...

"Lailani Legaspi? Is that you?" tanong ng may edad nang babaeng lumapit sa kanila ni Jett.

Natigilan siya nang mabalingan ang babae. Si Mrs. Rita Montenegro, ang asawa ng isa sa mga pinakamayamang lalaki sa bansa na nagtatag ng isang foundation na tumutulong sa mga kababaihang biktima ng breast cancer. Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na wine glass.

Nangunot ang noo ni Jett. Nagtatanong ang mga mata nitong tumingin sa kanya. Bago pa man nito maibuka ang bibig ay muling nagsalita ang ginang.

"Oh, Hija. I didn't know you were dating Jett!" nakangiting sabi nito at nagbeso-beso sa kanya.

Lalong nangunot ang noo ni Jett. "You know her, Ma'am?" nalilitong tanong nito sa ginang.

Nagliwanag ang mukha ng babae. "Of course! She interviewed me and wrote an article about me on this month's FEM issue. Oh, Hija. Mabuti na lang at nagkita tayo. I was really looking for you to thank you for that wonderful article. Kaya lang you're doing an undercover job daw right now sabi ni Weena kaya parati kang wala sa office n'yo. I'm really glad I saw you here."

She gripped the wine glass with shaking hands. Nakita niya kung paano nagbago ang anyo ni Jett mula sa pagkalito, pagkabigla hanggang sa galit na nagpatigas ng anyo nito. She swallowed hard. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya akalaing sa ganitong paraan nito malalaman ang tungkol sa tunay niyang pagkatao.

Inisip niya ring ipagtapat dito ang totoo ngunit dahil naduwag siya ay ipinagpaliban niya. At nang maisip na maaaring hindi rin magtagal ang relasyon nila ay napagpasyahan niyang hindi na lang ipaalam dito ang lahat. Ngunit sadya palang walang sekretong hindi nabubunyag.

Nang balingan ng ginang si Jett ay itinago ng huli ang galit sa anyo. "Can I borrow your girlfriend for a moment, Jett, Hijo?" paalam nito sa binata. Hindi nito nahahalata ang tensyon.

"Sure," ani Jett. Parang patalim na humiwa sa kanyang dibdib ang tinging ipinukol nito sa kanya bago ito tumalikod.

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon