HE shoved her to the library wall and kissed her. Nabigla man si Lailani sa ginawa ng binata ay ginantihan na lang niya ang halik nito. Soon, her hands were on his back, feeling its hardness.
Nang lumapit kanina ang ina ni Jett upang sabihing kailangan nang magpahinga ng matanda ay nagpaalam na rin si Jett na pupunta na sa astrodome para sa laro. Muling ipinaalala ng matanda ang pagdalo nila sa nalalapit na anniversary party ng mga magulang ni Jett. Nang maitulak na ng ginang ang wheel chair ng matanda ay hinila siya ni Jett sa loob ng library.
"I guess, Granny's right. I can't get enough of you..." bulong nito nang bitiwan ang mga labi. He continued caressing her hips. His breathing was ragged. His eyes spoke of raw passion.
"Jett... baka makita nila tayo," mahinang sabi niya, still dazed by the intensity of his kiss.
"Who cares? Kanina ko pa gustong gawin ito." At muli nitong sinakop ang kanyang mga labi.
"Jett! Leigh! Nasaan na kayo?" narinig nila mula sa labas. Napilitan itong bitiwan siya.
"Dammit!"
Heck, she felt exactly the same. She loved him even more now.
Marami siyang natuklasan sa pagtitipon na iyon. Ayon sa abuela, may tinutulungang foundation si Jett. A quarter of his earnings ay napupunta roon. Tapos ito ng Commerce at oras na mag-resign ang ama ay ito na ang mamamahala ng kanilang mga negosyo. Nagkaayos na rin ang mag-ama. Nagpasalamat ang lalaki sa kanya sa kapansin-pansing pagbabago ng anak nito.
Kahit hindi siya ang dahilan ng pagbabago ni Jett ay natutuwa pa rin siya para rito.
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...