Part 8

15K 433 19
                                    


HINDI siya makapaniwala sa mga ipinagbilin ni Mila bago ito umalis. Ngayon niya mas napatunayang kasumpa-sumpa talaga ang ugali ni Jett. Kinilabutan siya nang sabihin ni Mila ang diumano'y pinakamahalagang bagay.

"Sa loob ng kuwarto ni Sir, sa side table, mayroon doong lalagyan ng condoms. Parati mo iyong lalagyan kundi ay magwawala si Sir. Hindi iyan mabubuhay na walang ganoon. Naalala ko pa nga noong bagu-bago pa lang ako, nakalimutan kong wala na pala siyang stock. May dinala siyang babae noon. Ang nangyari, hindi natuloy ang... alam mo na."

Napa-'susmaryosep' siya. "Parati bang... ginagawa ni Sir 'yung... alam mo na?"

Natawa si Mila. "Hay, halos araw-araw kaya 'wag ka nang mabibigla. Minsan pa nga tatlong condoms ang dinadampot ko sa umaga."

Hindi niya napigilan ang mapanganga. "Ha? Tatlo?" Ibig bang sabihin, since siya na ang katulong doon ay siya na ang dadampot ng mga iyon? Napangiwi siya.

Nakaalis na si Mila. Ito ang unang araw ni Lai bilang muchacha. Ano kaya ang sasabihin ni Larissa kung alam nito ang mga pinaggagagawa niya ngayon? Siguradong magwawala ito sa galit at baka pati mga urn ng ashes ng kanilang mga ina ay basag na pag-uwi niya. Hindi nito dapat malaman ang kanyang mga plano.

Kagabi ay palihim niya itong tinawagan upang masigurong nasa bahay ito. Sinabi niyang may undercover job siya sa Palawan at isang buwan siyang mawawala. Pinagbawalan niya itong makipagkita kay Jett sa buong panahong wala siya.

"As if naman magagawa ko pa iyon, eh, may monitor ka dito," tukoy nito sa isang tiyahin niya na pinsan ng kanyang ina. Pansamantala niyang pinatitira ang matandang dalaga sa bahay tuwing may out-of-town projects siya upang bantayan ang kapatid.

Napatingin siya sa orasan sa kusina. Alas nueve y media na. Tapos na siyang magwalis sa hardin. Kuwarto na lamang ni Jett ang hindi niya nalilinis. Magluluto muna siya ng tanghalian bago umakyat doon. Tutal naman ay tulog pa ang kanyang 'amo.'

Kinukuha niya ang karne ng baboy mula sa ref nang may maramdaman siyang tumapik sa kanyang pang-upo. Nabitiwan niya tuloy ang plasticware na may lamang karne.

Isang tawa ang pumuno sa paligid at naikuyom niya ang kamay sa galit nang makita ang mukha ng taong kinasusuklaman. Nasa tabi niya ito at inagaw mula sa kanya ang pinto ng refrigerator. Pinilit niyang itago ang galit nang magsalubong ang mga tingin nila.

"Magugulatin ka pala," komento nito habang nakangiti. Kumuha ito ng pitsel ng tubig at tinungo ang cupboard upang kumuha ng baso.

He just tapped her butt! Napakabastos talaga! Kapag hindi siya kumibo ngayon, aabuso ito at parati nang gagawin sa kanya ang ganoon. "Hindi n'yo po dapat ginawa ang ganoon, Sir."

Sinaid muna nito ang laman ng baso bago muling tumingin sa kanya. "Ang alin?" patay-malisya pa nitong tanong. Pagkatapos ay ngumiti nang nakakaloko. "Ah, iyon? That was just my way of saying good morning."

"Good morning?" Hindi yata nasabi sa kanya ni Mila ang tungkol sa bagay na iyon. Napakalaswa talaga ng hudas. Paano kaya ang good afternoon at good evening? Ipinilig niya ang ulo sa nabubuong ideya sa isip.

"Yup!" nakangiti pa ring sabi nito na nang muling lumapit ay kaagad niyang ikinaatras. Tumawa lang ito. Tiningnan niya ito nang matalim nang pansamantala nitong alisin ang tingin sa kanya habang ibinabalik ang pitsel sa ref.

"Kung ganoon, huwag na lang po kayong mag-gu-good morning sa 'kin," magalang niyang sabi kahit mas gusto niyang ibato sa pagmumukha nito ang pinulot na plasticware.

Lumapad ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa kanya. "Okay. Handaan mo 'ko ng breakfast." Umupo na ito sa likod ng kitchen table, paharap sa kanya at sa kitchen counter.

Nagtaka siya sa ginawi nito. "D'yan po kayo kakain?" Sa poolside ito nag-aagahan ayon kay Mila.

"Yeah. Hindi pa kita naiinterview, di ba?"

Interview? Hindi niya yata napaghandaan iyon. Pero sisiw lang sa kanya ang maglubid ng istorya. Para saan pa't naging writer siya.

Umupo siya sa harap nito matapos itong mahainan ng almusal.

"Magluluto ka ng lunch, di ba? Gawin mo ang dapat mong gawin habang kinakausap kita," utos nito bago magsimulang kumain.

Pinandilatan niya ito habang tumatayo. Ngunit nang muli itong tumingala mula sa pagkakayuko sa pagkain ay pinaamo niya ang kanyang mukha. Muli niyang binuksan ang ref at kinuha mula roon ang mga sangkap na gagamitin sa mga lulutuin. Isinalansan na lang niyang lahat iyon sa kitchen counter. Naroon kasi ang binata sa kitchen table kung saan dapat siya maghihiwa ng mga gulay. Isa pa, tila ayaw nitong doon siya pumuwesto habang kumakain ito.

Naghihiwa siya ng bawang nang magtanong ito. Nakatalikod siya rito.

"Huwag ka nang lumingon. Ilang taon ka na?"

"Beinte seis po." Sinabi niya ang totoo at sinunod ang utos nitong huwag lumingon.

"Hanggang saan ang natapos mo?"

"Third year lang po. Hindi po ako nakatapos ng high school."

"'Wag mo na nga akong pino-po, okay?"

"Sige."

"That's better. Sabi ni Mila taga-Manila ka. Saan sa Manila?"

"Sa... Tondo."

"You don't look like a maid."

Natigilan siya sa paghihiwa ng sibuyas. "Ano 'yon, Sir? Sinasabi n'yo bang hindi ako mukhang katulong? Madami ngang nagsasabi. Salamat po."

"So, nakakaintindi ka ng English."

"Siyempre. Hindi ako ganoon katanga. Itinuturo sa high school ang English. Hindi nga lang ako talagang marunong magsalita nang derecho pero nakakaintindi ako." Kailangan nitong malaman na hindi siya ganoon kadaling maloko kahit pa katulong lang siya.

"Good," tila impressed nitong sabi. "Since pinsan mo si Mila, I expect you to be as loyal as she was. Maaasahan ko ba iyon, Leigh?"

"Yes, Sir." Iniisip niyang mukha nito ang hinihiwa niya.

"I assume naituro na sa 'yo ni Mila ang lahat ng tungkol sa trabaho niya rito."

Oh, yes! Magsinungaling sa whereabouts mo, magtaboy ng unwanted female guests or callers, ilihim ang katotohanang may nobya ka na at magdampot ng used condoms mo tuwing umaga! "Opo. Este, oo."

Kahit nang maramdaman niyang tumayo ito ay hindi pa rin siya lumingon.

"Leigh, could you turn around for a second?"

Lumingon siya. Saglit nitong tinapunan ng tingin ang hawak niyang kutsilyo. "Aalis ako ngayon after lunch. If Rizza calls, tell her I'm asleep. Kapag si Ynnez, tell her I migrated to the States. Kapag si Arrienne, tell her I'm in Mars. And if it's Lindsay... tell her I'm dead." Then he gave her a wicked smile before he turned his back and walked away.

Napamulagat siya. How could he treat his girlfriend like that?

"Oh, I almost forgot." Muli itong lumingon. Mabilis niyang itinago ang lumarawang inis sa mukha sa ipinagbilin nito. "Nice butt," he added and grinned naughtily.

Naiwan siyang nanlalaki ang mga mata. Kaya ba ayaw siya nitong palingunin kanina habang kinakausap siya nito? His eyes were feasting on her behind! Wala talaga itong kasing-bastos!

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon