"So, how do you like my story for our July issue, Miss Ed?" nakangising tanong niya kay Weena na tila nahipan ng hangin matapos marinig ang proposal niya para sa isang undercover story.
Hindi niya sinabi sa editor-in-chief na si Jett Alcaraz ang gagawin niyang subject sa experimental story na iyon. Tutal ay hindi naman papangalanan ang mga karakter na sangkot sa istorya.
She would be hitting two birds with one stone. May assignment na siya, maipaghihiganti pa niya ang kapatid.
"Tama ba ang dinig ko, Lai?" hindi makapaniwalang tanong ni Weena. "You will pose as a maid?"
Ngumisi siya at tumango. Maybe Mila was her lucky charm. Sa tatlong beses niyang pakikipagkita rito upang patuloy na mangalap ng impormasyon tungkol sa amo nito ay naging sobrang palagay na ito sa kanya. Kalaunan ay pinagkatiwalaan na rin siya ng babae sa mga problema nito. Nitong nakaraan nilang pagkikita, isang problema nito ang naging pabor sa kanya.
Kailangan daw nitong umuwi dahil may sakit ang nanay nito. At natatakot ito na baka hindi na payagan pang bumalik ng amo kapag wala itong ipinakilalang papalit muna sa trabaho nito.
Nagkunwari siyang nasisante sa trabaho kaya kaagad siyang inalok ni Mila na siyang pansamantalang pumalit dito. At sa Linggo nga ay ipakikilala na siya ni Mila sa amo nitong demonyo bilang pinsan upang kaagad din itong magtiwala sa kanya.
"Approved ba?" aniya kay Weena.
Nasa mukha pa rin nito ang alinlangan. "Actually, I have to hand it to you. Your idea's quite impressive. Pero hindi mo ba naisip na hindi ito magugustuhan ng mga kalalakihan?"
"What? I, posing as a maid and secretly working on this scheme to make a certain man's womanizing life disastrous, para magsawa siya at matuto? Men won't like it, of course. Pero sa mga babae, it will be a hit. It will entertain them to the hilt."
"You have a point. Kaya lang, parang pang man-hater ang topic mo. We don't want readers to think that we're against men. Your topic also sort of promotes revenge. Which is not good...."
"Weena, can we, for just one issue, be realistic? Sana gumagawa na lang tayo ng mga romance novels kung parating idealism ang gusto mong pairalin sa magazine natin."
"What is your assurance na magiging success ang undercover job na ito? Paano kung hindi mo mapagbago ang lalaking iyan o mapahinto sa pambababae niya which is your goal?"
"I always make sure I succeed."
Ngumiti na si Weena. "There must be a reason why you're so insistent on doing this story. Care to share who the unlucky guy is? Maybe then, you'll have my nod."
Napailing-iling siya. Sinabi na nga ba't itatanong nito iyon. "Just don't scream, okay?"
BINABASA MO ANG
Undercover Maid [COMPLETED]
RomanceUPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," paki...