Part 37

13.3K 351 2
                                    


Hawak-hawak ni Jett ang kamay ni Lailani at nilalaru-laro ang mga daliri nito. His eyes were teasing her. Manaka-naka lang niyang tinatapunan ng tingin ang abuelang nasa tabi nila at walang tigil sa pagkukuwento. Na kay Lailani halos ang buong atensyon niya. To the woman he made love to twice last night and once this morning. He loved the way her cheeks turned rosy as he continued playing her fingers with his.

"I guess he just couldn't get enough of you," anang abuela sa dalaga na siyang tanging narinig niya sa mga sinabi nito.

"Granny!" saway niya. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Leigh. Napangiti na rin tuloy siya.

"What? I meant nothing malicious about it, Hijo. Napansin ko lang na kung umakto ka ay para kang teenager d'yan na ngayon lang nagka-girlfriend." At natawa na rin ang matanda. They all laughed. Pati ang napadaang ama ni Jett na sadyang lumayo sa kanila kanina upang masolo sila ng ina nito.

Masaya siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay pumunta siya roon nang hindi siya pinagalitan ng ama. Bihira na lang silang magkita dahil madalas itong wala. Magiliw ang naging pagtanggap nito kay Leigh. Masaya rin ang kanyang ina na bentang-benta si Leigh sa dalawa. At siyempre, hindi magpapahuli sa kuwentuhan ang kanyang lola na sa palagay niya ay naka-recover na kaagad sa atake.

Nakikita niyang tanggap ng mga ito si Leigh kahit alam ng mga itong hindi ito kasing-yaman nila. Ngunit paano kaya kung malaman ng mga itong maid niya ang dalaga? He erased the thought. Hindi na nila kailangan pang malaman. Hindi dahil sa ikinahihiya niya ang kalagayan nito sa buhay, kundi dahil gusto niyang protektahan ito. Itatago na lang nila ang tunay nitong sitwasyon. Hindi mahirap iyon dahil hindi talaga mukhang kasambahay si Leigh. She looked like a goddess. At kung makipag-usap at sumagot ito sa mga tanong ng kanyang pamilya, parang hindi high school undergraduate ang dalaga. She was smart. Nagtataka tuloy siya kung bakit ito pumasok sa pagkakatulong gayong sa ganda at talino nito, papasa itong office clerk tulad ng ipinakilala nitong trabaho sa kanyang pamilya. Pero kung hindi ito nagkatulong, hindi sila nagkakilala. Buti na lang at naging maid ito. 

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon