Part 13

13.5K 358 2
                                    


"GOD, I can't believe those girls, they're so cheap!"

Napairap siya sa naibulalas ni Weena. Day-off niya bilang katulong kaya associate editor siya ngayon at nasa opisina.

"And desiring his boxers isn't cheap?" Inilapag niya sa mesa ng editor ang paperbag na naglalaman ng hinihingi nito.

Dinaklot nito ang paperbag at itinago kaagad sa table drawer. "Not at all! Thanks, Lai! Mwah!" Nag-angat ito ng kilay.

"Girl, you are insane. Alam kong ikaw ang may pakana ng eskandalong iyon."

She smiled slyly. "Okay naman, di ba? Very entertaining."

Weena rolled her eyes. "In fairness, ang galing mong gumawa ng gulo. Kaya lang, kawawa naman si Papa Jett."

"I'm sure na wala nang babaeng lalapit pa sa kanya. Matu-turn off silang lahat dahil hindi lang siya two-timer, multiple-timer pa!"

"Wrong. Lalo mo lang binigyan ng kasiyahan ang mga babaeng naglalaway kay Jett. Natutuwa sila na nabawasan na ang mga babae nito at may pagkakataon na sila ngayong lapitan siya."

Naglaho ang ngiti niya. "That's just your opinion, Miss Ed. Masyado mo yatang sinasamba ang Jett na iyon."

Weena smiled naughtily. "At pagkakataon ko nang akitin siya. I'm going to his house to interview him. Tamang-tama, vulnerable siya ngayon dahil sa nangyaring eskandalo. I think I have to thank you for that, Lai."

She would be damned if she let Weena do her silly scheme.

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon