AURORA BLANCO
"Hanggang kailan mo ba ako susundan, Raphael?" tanong ko habang naglalakad papasok ng Sigma University. Hindi kasi ako sanay na nakabuntot siya sa akin. Palibhasa kaya niyang maging invisible sa mata ng mga mortal hangga't kailanman niya gustuhin.
"Rory, huwag mo na lang akong pansinin. Baka may makakita sa'yo na nakikipag-usap sa hangin at mapagkamalan ka pang may sira sa ulo," sambit niya at saka tumawa. His laugh might sound normal to me but for others, it's not. Sa tingin ko ang tamang salita sa mga mortal ay nakakapanindig-balahibo.
"Tsk," singhal ko na lang at nilapat ang hinlalaki ko sa biometrics.
Bukod pa sa ID na suot-suot namin ngayon, kailangan pa ng fingerprint bago pumasok sa gate ng Sigma University. Sigma is the eighth letter of the Greek Alphabet, at batay na rin sa mga pangalan ng section dito, halatang mahilig sa Greek Mythology ang may-ari nito.
Napatingin ako sa taas at pinagmasdan ang dalawang dambuhalang pillar na humahawak sa Gate. Its design is Corinthian at detalyadong-detalyado ang pagkakagawa rito. Mula pa lang sa pinaka-unang kurba hanggang sa dulo.
Napairap naman ako agad nang biglang umupo roon si Raphael at kumindat sa akin. Dahil sa liwanag ng araw, mas lalong pumutla ang balat niya habang ang mga pula naman niyang mga mata ay mas lalong kuminang. Lumaylay naman ang itim niyang buhok sa kaniyang mga hita.
"Liking the view, mademoiselle?" tanong nito na hindi ko na lamang pinansin at kinuha na ang bag ko sa guard. Protocol kasi ng paaralang ito. Subalit ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit nagagalit ang ilang estudyante, lalong-lalo na pag-late, sa mga gwardyang ginagawa lang ang trabaho nila.
Sa tingin ko, parang mas maiiwasan nilang ma-stress kung papasok na lang sila nang maaga.
"Good morning, Aurora!" bati sa akin ni Maho pagkapasok ko ng gate. Simpleng tumango lang ako sa kaniya at saka tumuloy sa paglalakad. Medyo maaga pa naman ako sa una kong klase kaya pupunta na muna ako ng cafeteria.
"Rory!" Hindi ko pinakitang nagulat ako nang biglang sumulpot nanaman si Raphael sa gilid ko. Huminga ako nang malalim at pumasok na.
Marami akong nakitang estudyanteng nag-aalmusal pa lang din pero may mga table pa rin namang vacant. Pumunta muna ako ng counter at pasimpleng sinenyasan si Raphael para huwag magpa-upo sa table ko. Kung paano niya 'yon gagawin habang hindi siya nakikita ng mga mortal?
Problema niya na 'yon.
"Maganda umaga, hija," bati ng babaeng nasa counter. Dinukot ko ang wallet ko at tumingin sa mga pagkain.
"Magandang umaga rin po, 'Nay Susan," bati ko pabalik at tinuro ang bacon at itlog. Nakuha niya naman agad ang senyas ko at inihanda na ang order ko. Pagkatapos kong magbayad ay bumalik na ako sa table.
"Tagal mo naman," bungad sa akin ni Raphael pagka-upo ko sa tapat niya. 2-seater table lang naman kasi 'tong kinuha ko dahil nag-iisa lang naman ako sa tingin ng mga mortal. Hinayaan ko na lang siyang dumada habang kinakain ko ang almusal ko.
Kahit nagkatawang tao rin naman ako, nagugutom din ako sa paraan nila. Sa ilang taon ko rin namang namamalagi rito, sino nga bang hindi masasanay? Isa pa, ang gamit kong katawan ngayon ay isang mortal. Kailangan ko rin itong alagaan.
"Teka," singit bigla ni Raphael. Inangat ko ang tingin ko at dumidilim ang mga mata niya. He's detecting something again, "That girl is about to experience something horrible, Rory."
Sinundan ko ang tinitignan niya at pinagmasdan ang babaeng kapapasok lang ng Cafeteria. I don't know her full name but she has the title of being the Belle Of The Crowd. Meron siyang kulot na buhok, pero hindi 'yong tipong parang sa noodles. Malalaki kasi ang kulot ng kaniya. Kasing kulay din ng buhok niya ang mga mata niya at walang bakas ng makapal na make-up sa mukha niya. Kaunti na lang siguro ay iipit niya ang buhok niya kagaya doon sa tanyag na Belle ng Beauty and The Beast para maging lehitimo na talaga siyang Belle. Patunay ang pagngiti niya sa mga nakakasalubong niya habang may dalang libro sa kanan niyang kamay.
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantasíaIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...
