Chapter 11: Angel of Love

697 51 42
                                    

AURORA BLANCO

It's been days simula noong nagkaroon ako ng breakdown. Ugh, saying that word makes me feel disgusted with myself. I used to find emotions very trivial. Never have I ever thought that I will experience them in such a manner. Maybe it was because I reaped three people's pain in one go. O kaya naman, nasa limitasyon na ang paggamit ko sa sisidlang ito.

Sinubukan kong konsultahin si Raphael kung bakit nangyayari sa'kin 'to pero pasimple niya lang na nililihis ang usapan. Siguro kaya siya nagiging balisa nitong mga nakaraang araw ay dahil nabanggit ko sa kaniya ang nakita kong palaso no'ng isang gabi.

"Bakit tulala ka?"

Sinulyapan ko lamang si Dabria gamit ang gilid ng aking mga mata at umiling lang ako. Kahit papaano ay nasanay na ako sa presensya ni Dabria dahil halos araw-araw ko siyang kasama dahil sa Acquiantance Party rehearsals. Wala rin naman siyang ginagawang kakaiba laban sa'kin kaya hinayaan ko na lang muna. Mabuti na nga lang at matatapos na bukas itong kinasangkutan ko. Hindi ko na siya makakasama pa.

"Excited ka na ba?" tanong niya at umusod papalapit sa 'kin para iabot ang burger at tubig na hawak niya. Tinitigan ko lamang 'yon at hindi kinuha. Narinig ko ang pagbungisngis niya. "Hey, wala 'tong lason. Binigay sa'tin 'to kasi 'di pa tayo nakakapag-lunch."

Bumuntong hininga na lang ako at kinuha sa kamay niya 'yong pagkain. Binuksan ko 'yon agad at kumagat na. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko, hindi na rin masama 'to. Naramdaman ko rin ang pananahimik ni Dabria dahil nagsimula na rin siyang kumain tulad ko.

"Anyway, hindi magpa-practice ang Nexus Hearts ngayon?"

Ibinaling ko ang ulo ko sa direksyon ng nagsalita nang may mabanggit ito. Ngayon ko nga lang din napansin na hindi nga pumunta ang bandang 'yon ngayon.

"Masama raw pakiramdam ni Tiffany at nasa infirmary. Baka nga hindi sila makasali sa Battle of the Bands ngayong taon."

Napatigil ako saglit sa narinig. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ako kung bakit ganoon ang nangyari sa lead vocalist nung banda. Tinapos ko agad ang pagkain ko at nilagok ang tubig. Dalawang beses nang napasailalim sa kapangyarihan ko si Tiffany at kung totoo ngang isa ako sa dahilan kung bakit nangyayari sa kaniya 'yon, hindi ba't tama lang na puntahan ko siya para makita ang kalagayan niya? Para din makita ng dalawang mga mata ko kung anong epekto sa isang mortal na higit sa isang beses dumaan sa mahika ko. Ang pinagtataka ko nga lang din, bakit kaya walang akong nakitang memorya ni Tiffany noong kinuha ko ang mga dinadala ng Nexus Hearts?

"Teka, saan ka na naman pupunta?" Pinigilan ako ni Dabria sa pamamagitan ng paghatak ng aking braso pabalik. Lumingon ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Suminghal lang siya at bumitiw na sa braso ko. "Andito na nga ako, sa iba ka parin tumitingin."

Hindi ko na pinansin ang pagdadrama niya at dumiretso na sa pakay ko. Nang makarating na ako sa tapat ng Infirmary ay pumasok na agad ako rito. Swerte pa nga at wala akong naabutang nurse na bubungad sa akin. Siguro dahil lunch time din naman ngayon.

"Nasaan kaya si Tiffany?" usal ko at luminga sa paligid. Tanging ang mga berdeng kurtina lamang ang tumatakip sa mga namamalagi roon. Hahakbang pa lamang ako para isa-isahin ang mga 'yon nang may marinig akong boses.

"Hanggang kailan ganito?"

Napatigil ako. Hindi ba't boses 'yon ni Tiffany?

Lumakad ako tungo sa mga nag-uusap na boses. May malagong boses pa akong narinig.

"Pasensya ka na kung nadamay ka. Kasalanan ko 'to." Parang pamilyar ang boses na 'yon.

"Hindi, naiintindihan ko naman. Pero parang may nawala lang talaga kay Tiffany kaya hindi ko pa magawang tulungan ka sa ngayon."

Pain ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon