Chapter 08: Angel Of Death

864 59 29
                                    

AURORA BLANCO

"Matutuloy kaya 'yong sinasabi nilang Acquaintance Party?" bulong ko kay Raphael habang naglalakad kami sa hallway ng eskwelahan. Batay sa pagkakarinig ko sa mga nagkwekwentuhan malapit sa amin, pinaglaban ng Student Body Organization na magkaroon ng event na 'yon. Well, marami rin kasi ang gustong matuloy ito; maski ako.

"Hindi ba't sabi ko maghinay-hinay ka muna? Matuloy man 'yon o hindi, kontrolin mo muna ang sarili mo," sabat naman ni Raphael at inunahan akong pumasok sa room. Pinatunog ko na lang ang dila ko at umupo sa tabi niya. May punto rin siya dahil baka nga sa kakulangan ko magpigil ay kaya natunton ako ni Kupido, pero bakit parang hindi pa ako hinuhuli ng anghel na 'yon? Hawak niya na ako kahapon. Ano namang pumipigil sa kaniya?

Ngumisi ako dahil sa kapilyahang pumasok sa isip ko.

"Cupid seemed to fall in love with me, huh? Ayaw niya raw akong masaktan kaya kahit nahanap niya na ako, hindi niya pa rin ako ginagalaw," saad ko. Bigla namang nagdilim ang mukha ni Raphael dahil sa sinabi ko at tinitigan ako nang matalim.

"Don't say bad words," tugon niya.

Tumawa nalang ako. "Hindi ka mabiro," wika ko na may halong pagkadismaya. Minsan talaga daig pa nito ang mayroon.

Suminghal siya at umiling. "It's a bad joke."

Tinaasan ko lang siya ng kilay at akmang ibubuka ang bibig ko para sumagot nang may biglang sumigaw.

"Persephone!" Si James, ang napakagaling naming class president, ang kumuha ng atensyon ng lahat. Kasama niya ang mga estudyanteng may green na ribbon na nakatali sa kanilang mga braso na may logo ng Sigma.

Sinenyasan ni James ang mga ito. "Andito 'yong ilang myembro ng SBO. May ia-announce daw sila. Sana makinig kayong lahat," dagdag ni James saka umupo.

Pumasok naman ang dalawang miyembro ng nasabing grupo. Isang babae maikli ang buhok, itim ang mga mata, at nakakapanghalina ang ngiti. Balingkinitan ang katawan nito at hula ko'y malakas ang dating nito sa madla. Kasama niya ang isang lalaki na medyo magulo ang buhok, may salamin, at mukhang lampahin.

"Magandang umaga, Persephone. Narito kami ngayon para opisyal na ihayag ang pagkakaroon natin ng Acquaintance Party na may temang Greek Mythology." Awtomatikong bumuntong hininga ako nang marinig ko ang tema. Obviously. Hindi na ako magtataka. Noong nakaraang taon nga, ang tema...

Teka. Ano nga bang tema nung nakaraang taon?

"Ayos ka lang ba, Rory? Bakit parang balisa ka?" tanong ni Raphael kaya agad akong napakurap. Umiling ako.

Ano na naman ba 'tong pinag-iisip ko? Ang nakaraan ay nakaraan. Hindi ko rin naman madadala sa tahanan ko ang mga memorya ko rito sa mundo ng mga mortal. Bakit ko pa ba aabalahin ang sarili ko na tandaan ang mga bagay na ganoon?

"Sa Friday na po gaganapin ang Acquaintance right after our school hours. Tapos bibigyan din kayo ng time para mag-ayos, lalong-lalo na sa mga contestants. May inimbita rin kaming mga make-up artists and other designers para mag-provide ng mga serbisyo nila sa mga taong walang kakayahang pinansyal na makasama sa Party. Sagot naman ito lahat ng Fund ng SBO. Inaanyayahan naming lahat ay dumalo," paliwanag nung babae. Samot-sari namang mga reaksyon ang natanggap nila sa mga kaklase ko. Napakapambihira nga naman na ganito sila mag-effort para lang sa party na 'to. Dahil ba muntikan pang hindi magkaroon ng ganitong event kaya ganiyan sila todo makapag-arrange?

May hinugot namang papel 'yong lalaking kasama ng babae na myembro ng SBO. Inayos muna nito ang salamin niya saka tumikhim. "Ang mga programa namin para sa party ay magsisimula ng 6:30 pm. Unang sasalang ang Mr. and Ms. Acquaintance. Lahat ng sections ay required na magkaroon ng dalawang contestants para i-representa ang Greek Gods nila," wika niya saka itinaas ang kamay. "Katulad dito, si Persephone. Kailangan niyong ipakita si Persephone bilang babae at lalaki. It's your choice kung gusto niyo magsalang ng dalawang babae o lalaki, basta ang isa sa kanila ay nangangailangang mag-cross dress para magkaroon ng twist ang nasabing paligsahan."

Pain ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon