AURORA BLANCO
"Same order ba ulit?" tanong sa akin ni Carwyn pagkaupo nami nsa 2-seater table dito sa may Cafeteria. Ngumiti lang ako nang tipid at tumango. Mabilis naman siyang pumila sa may counter at kumuha na ng tray.
"Hi, Aurora."
Iniwasan kong mapapitlag dahil sa dumapong kamay sa balikat ko. Hindi ko nilingon ang nilalang na 'yon at nanatiling nakatingin lamang sa harapan habang umuupo siya sa tapat ko.
Sinalubong ako ng babaeng may maikli at kulot na lilang buhok at kulay dilaw na mga mata. Nakangisi siya. Sinipat ko ang itsura niya at halatang kasusuot lang ng kaniyang uniporme dahil sa maluwag na green na necktie at nakasabit na black blazer sa balikat niya.
"Kumusta ka?" tanong niya. Hindi agad ako nakasagot. Para kasing may iba siyang pinahihiwatig sa kaniyang sinambit. Sinulyapan ko si Carwyn na nakuha na ng pagkain namin sa counter at ibinalik ang tingin kay Dabria.
"Ayos naman. Kasama mo ba si Raphael?" tanong ko. Sumandal siya sa may upuan at itinupi ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib. Itinaas niya ang kaniyang kilay habang suot pa rin ang ngisi sa kaniyang mga labi.
"Bakit mo natanong?" tanong niya pabalik. Napairap ako dahil sa kaniyang tugon.
"Can you just not answer my question with another question?" I hissed. She laughed at my reaction, showing dimples on her right cheek.
"Babe, calm down. I'm just teasing you. Raphael is still out there, finding the person who summoned you to this world. Tingin ko nga, may mapapakita na siya sa'yo," saad niya habang binibigyang diin ang ilang salitang binanggit niya. It got me thinking. Why did I sense sarcasm in her tone?
"Is that so? Then at least, he had improved," I stated with my usual monotone voice.
"Anong gagawin mo 'pag nalaman mo na kung sino ang tumawag sa'yo rito sa mundo ng mga mortal?" mabilis niyang tanong. Sa pagkakataong ito, ako ang napangisi.
"Bakit mo tinatanong?" giit ko habang ginagamit ang tono ng pananalita niya kanina. Napailing naman siya sa tinuran ko at ngumiti.
"Unbelievable." Napailing-iling siya.
"Well..." saad niya at tumayo na. Saktong papunta na kasi sa table namin si Carwyn. Inilapit ni Dabria ang bibig niya sa tainga ko. "You'll be surprised to know who that person is because you know her too well."
Lumayo naman agad si Dabria nang umupo na si Carwyn sa tapat ko habang nakangiti siya nitong nilingunang.
"Whoa. The infamous lesbian here in Sigma University." Ngumiti si Carwyn. "Dabria."
Hindi ko alam pero may kung anong paraan si Carwyn para banggitin ang pangalan ng babaeng nasa tabi ko. May diin.
"I'm honored." tugon naman ni Dabria.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa at tila ba may nakita akong kuryente sa pagitan nila.
"Are you trying to—"
"No. Ayokong makisiksik sa love story ng iba," mabilis na sagot ni Dabria na pinutol ang sasabihin pa lang dapat ni Carywn.
Humarap sa akin si Dabria at ngumiti nang pagkatamis-tamis. Napakurap na lamang ako nang halikan niya ako sa may pisngi. "See you around," wika niya at naglakad na papalayo.
"Are you friends with that girl? Nakikita ko siyang kasama ninyo ni Raphael," pang-uuyam ni Carwyn. Ibinaling ko naman ang aking ulo sa kaniya at inayos na ang pagkain. Chicken curry at kanin ang sa akin.
"Not really," maikli kong tugon at uminom ng tubig. Patuloy pa rin akong pinagmamasdan ni Carwyn sa bawat galaw ko. Nilingon ko siya agad pagkatapos ng isang lagok at nanatili ang pagkakahawak ko ng baso malapit sa aking bibig.
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantasyIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...
