"Ang tagal," reklamo ko habang pinapagalaw ang mga paa kong nakapatong sa mesa. Suot ko na ang uniporme ng Sigma University maliban lang sa jacket na itim na nakasampay ngayon sa sofa. Ang init kasi. Pabago-bago pati panahon. Ba't hindi na lang kaya ipa-suspend ang klase? Sigurado ako, magiging masaya na naman ang mga estudyante 'pag gano'n ang mangyayari.
Narinig ko ang pagsinghal ni Raphael mula sa kusina. "Napaka. Maaga ka naman kasing nagising pero hindi mo ako ginising agad. Huwag ka ngang magreklamo riyan!" aniya. Napataas na lang ako ng kilay at hindi na siya tinugon. Wala akong ganang pumatol sa mga ratsada niya.
Pinunas niya ang kakahugas niya lang na kamay sa kulay asul niyang apron at saka hinalo-halo ulit ang niluluto niya sa may kaserola. Kitang-kita ko kasi siya dahil wala namang naghihiwalay sa kusina at sa salas. Tanging ang pader lang na pinaglalagyan ng lababo ang nagsilbing hati ng dalawang silid.
"Kukuha na lang ako ng baunan," giit niya at binuksan ang aparador. Pinagmasdan ko na lang siyang ihanda ang pagkain habang humahampas-hampas pa ang ulo. Kumakanta ata. Pero hindi ko mapagkakaila na ang bango rin ng niluluto niya. Amoy chicken curry.
"Ayos na!" bulalas nito at hinubad ang apron niya. Nilagay niya na 'yong mga baunan naming sa mga bag naming at inabot ang sa 'kin. Papasok na kasi siya kasama ko ngayong araw katulad ng sinabi ko sa kaniya kagabi.
"Anong araw ba ngayon, Rory?" tanong nito pagkalapit sa akin. Inabot niya ang bag ko habang isinusukbit sa balikat niya ang kaniya.
"Friday," sagot ko at kinuha ang bag. Nilagay ko muna sa loob no'n ang itim na jacket ng Sigma University saka tumayo. Sinuot ko na rin ang bag at nilusot ang paa ko sa kulay brown kong sapatos.
"Talaga bang papasok na rin ako sa Sigma University katulad mo? Hindi naman ako mukhang ano nito?" saad niya at sinenyas pa ang ulo niya hanggang paa. Pinagmasdan ko siya. Bumagay naman sa kaniya 'yong uniform namin. Puting polo na halos kasing kulay niya na, kulay berdeng necktie, gray pants, at brown shoes. Nakasukbit sa balikat niya ang kulay itim niyang jacket at nakaguhit ang isang ngisi sa kaniyang mga labi.
Inangat ko ang aking tingin. "Pwede na," saad ko. Agaw tingin lang talaga ang kulay itim niyang buhok na tuwid at mas mahaba pa sa akin. Hanggang bewang niya kasi yung buhok niya.
Narinig ko ang pagsinghal niya at parang nagmaktol. "Anong pwede na?"
Napakunot ang noo ko. Ano bang inaasahan niyang sagot ko? I'm just being honest.
"Pero paano mo ako ipapasok doon? May mga papeles ka bang hinanda?" tanong nito. Nagkibit-balikat lang ako at nauna nang lumabas. Napapangisi na lang ako nang maalala ko kung paano ko naipasok si Raphael.
Sinubukan kong matulog pero hindi na ata dumadalaw ang antok sa sistema ko kaya naabutan ko ang tagapagbukas ng mga facilities ng Sigma University. Pinadaan ko ang kamay ko sa aking braso at pinalabas ang grimoire mula roon. Nabalutan naman agad ako ng pulang liwanag. Kusang lumipat ang mga pahina at huminto sa kailangan kong bigkasin.
"Creo," saad ko at pinikit ang aking mga mata. Binuo ko ang mga imahe ng mga papeles at ang mga damit na kakailanganin ko. Isinama ko na rin ang uniform na panlalaki ng Unibersidad. Maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng init sa may tapat ko kaya minulat ko na ang aking mga mata. Lumapad ang ngiti ko nang masilayan ko lahat ng inisip ko kanina. My creation magic is really useful at times like this. Tinago ko na ang grimoire sa pamamagitan ng pagpapadaan ko ng kamay ko sa aking braso.
Sinuot ko na ang disguise na gagamitin ko para i-enroll si Raphael. Tumingin agad ako sa salamin. I'm wearing a leopard print shirt, pink cardigan, and maong pants. Tinernuhan 'yon ng black doll shoes na mayroon ako. I pulled my hair up into a ponytail and put some make up on. Ayoko nang gumamit pa ng mahika sa pag-iiba ng itsura ko at baka hindi na bumalik sa dati. Sayang din ang mana; ang enerhiya na ginagamit ko para makagawa ng mga spells.
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantasiaIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...
