AURORA BLANCO
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sinalubong ako ng puting kisame. Umupo ako at sinapo ang ulo ko. Medyo nanakit 'yon.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid at napagtanto kong nasa isa akong kwarto. May malaking bintana sa tapat ng kama ko at kitang-kita ko ang mga puno sa labas na marahang tinatangay ng hangin ang mga dahon. Ang puting kurtina naman ay tila sumasayaw rin sa ere.
Tinignan ko ang sarili at suot ko pa rin ang itim na bistida. Kita ko sa repleksyon ko sa salamin na gano'n pa rin ang itsura ko. Kulay pula ang aking mga mata at kulay itim ang buhok na kulay kahel ang dulo. May bahid pa rin ng binigay na kapangyarihan ni Raphael sa akin.
Nasaan ako?
"Buti naman at nagising ka na." Kusang gumalaw ang ulo ko at lumingon sa direksyon ng nagsalita.
Isang lalaking nakaupo sa isang silya, may lamesa sa tapat na may tasa, at may hawak siyang isang libro. Kulay rosas ang buhok at mga mata niya na nakatitig sa akin.
"Carwyn..." banggit ko sa pangalan niya. Napaatras ako kahit na wala nang maatrasan sa higaan.
"Hindi mo 'ko magagamit laban kay Raphael," madiin kong saad sa kaniya.
Alam kong hindi ako palagay kay Raphael dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasagot ang mga katanungan ko. Pero siya ang pinili ko, hindi si Carwyn. Ano man ang nararamdaman ko kay Carwyn, ikukubli ko na lang 'yon.
Ngumiti si Carwyn.
"Una sa lahat, ang pangalang Cupid ay bansag lang sa akin ng mga tao. That name was only brought to light by a myth and it somehow correlated with my existence," saad niya at tumayo. Mabilis ang galaw niya at umupo sa may higaan; sa tabi ko lang.
"Bakit mo 'ko dinala rito?"
"Kasi kailangan kitang makausap. Ito lang ang pagkakataon ko na masabi ang lahat sayo." Tinitigan niya ako at may nakita akong emosyon sa mga mata niya.
Guilt? Pity? I can't really figure it out.
"Kung hindi ko lang sana tinupad ang hiling mo..." bulong niya. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kung hinid niya lang sana tinupad ang hiling ko? Hindi kaya siya ang...
"A-anong ibig mong sabihin?" utal kong tanong.
Huminga siya nang malalim. "Aurora, hanggang saan ang naalala mo?"
Napalunok ako. "Hanggang sa pagtawag ko lang kay Raphael."
"Alam mo na rin kung sino siya?" tanong niya.
Tumango ako. "He's the light-bearer, Lucifiel."
Kinuha ni Carwyn ang kamay ko at pinagmasdan ang palad ko. Inilapat niya ang kamay niya rito at nakaramdam na naman ako ng kakaibang kiliti sa aking tiyan.
"Mahirap ipaliwag sayo ang lahat kaya ibabalik na lang kita sa oras," sambit niya at inilapit ang mukha sa akin. Hinalikan niya ako sa noo at nawalan ulit ako ng malay.
Pagmulat ko ng aking mga mata, nasa loob na ako ng isang kwarto. A pang of pain came into my senses and I looked down to my finger. Dumudugo ito.
Ibinalik ko ang tingin sa aking harapan at nagliliwanag na ang ginawa kong summon circle. Mula sa kulay apoy na liwanag ay may lumabas na isang lalaki. Mahaba ang kaniyang kulay itim na buhok. Matitingkad na kulay pula ang kaniyang mga mata at nakasuot siya ng itim na kasuotan na kakulay ng kaniyang mala-anghel na mga pakpak. Tumingin ito sa akin at ngumisi. May dalawa siyang maliit na pangil.
"Ikaw ba ang tumawag sa akin?" tanong niya. Hindi agad ako nakagalaw sa pwesto ko. Pinaglalaruan lamang ba ako ng aking mga mata?
Ang lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantezieIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...
