AURORA BLANCO
Sinabi sa akin ni Raphael na mauna na ako sa retreat program ng University dahil may aasikasuhin pa siya. Sinubukan kong tanungin kung ano 'yon pero halik lang ang isinukli niya sa akin bago tumakbo paalis.
Napabuga ako ng hangin. Hindi maganda ang kutob ko. Mabilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko gusto ang pakiramdam nito.
Para akong... natatakot.
Nanghihina rin ang tuhod ko sa tuwing nasa paligid lang si Raphael. Ayokong isipin na parang hindi maganda ang epekto niya sa akin subalit gano'n nga siguro talaga kapag nagmahal ka ng isang demonyo. They're evil and wicked, and despite knowing these, I do not know why my old self summoned him and even loved him. Whatever her reason was, I don't know. I feel no regrets at all. Sadya lang sigurong naguluhan ang utak kong mortal.
Nang pumunta na ako sa quadrangle matapos kong ilapag ang bag ko sa may room ng section namin, sinalubong agad ako ni Carwyn at pinatabi sa kaniya.
Binigyan niya ako ng kandila at sinindihan ko ito gamit ang apoy ng kaniyang kandila. Nakaupo kaming lahat sa sahig at nakapabilog. Hindi ko kilala ang nasa tabi ko sa kaliwa at wala rin akong balak malaman pa.
Tumingin ulit ako kay Carwyn. Nakaupo sa tabi niya si Tiffany at ang huli ay nginitian ako. Inayos ko ang pag-indian sit ko sa sahig. I gave my all just to smile back and not making it look so awkward.
"May violin akong kinuha mula sa Music Room. Tutugtog ka bukas pagtapos ng program, ha?" nakangiting saad ni Tiffany, ang Belle of the Crowd, at ang girlfriend ni Carwyn. I don't know but their label just tastes bitter on my mouth.
Nagpanggap akong nagulat at mahiyain. "Hindi ako marunong tumugtog ng violin. Pwedeng ibang tao na lang?" I said reluctantly.
Nagkatinginan sila ni Carwyn and I saw her interlocked their fingers together. Tsk. The nerve of this girl. PDA. Hindi ba't bawal 'to rito sa loob ng eskwelahan?
"But Carwyn already agreed to it, right, sweetie?" Hindi ko alam pero parang may diin ang pagsabi niya ng huling salita. Tinignan naman ako ni Carwyn gamit ang gilid ng kulay rosas niyang mga mata at pasimpleng inalis ang kamay ni Tiffany sa kaniya.
"Um, Aurora, can you do this for me, please?" My eyes widened when he actually begged. Para bang may ibang nakataya kapag hindi ako tumugtog ng violin. And last time I checked, hindi naging maganda ang memorya ko nang huli akong humawak ng violin. It ransacked my memories literally.
"I'm afraid but I canno—"
Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang biglang lumabas si Sir Philo. Nakasuot ito ng simpleng polo shirt ng mga teachers, jeans, at nakasapatos. As always, ang mataas na hairline niya na naman ang mapapansin ng ibang estudyante. Pero ako? Ang iniisip ko ay ang pagbabago ng kulay ng mga mata niya at ang storya niya tungkol kay Lilith. I do not know if he's just a curious being or he actually studied that topic in Theology.
Or maybe, his identity being a human is nothing but a facade?
"Good evening! I want to thank you all for coming tonight..."
Nakita ko si Raphael na naglalakad na papalapit ng quadrangle. Nakasuot siya ng puting shirt, black na cardigan, black jeans, and combat boots. Only his crimson red eyes can be seen amidst the darkness. Gabi kasi idinaraos ang retreat dito sa unibersidad. Tanging kandila lang na hawak-hawak namin ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.
Nagtama ang paningin namin ni Raphael at nginitian niya ako, ngunit nawala agad 'yon nang makita niya kung sinong katabi ko. Sesenyasan ko pa lamang siya nang biglang hinawakan ng katabi ko ang aking braso. Napatitig ako kay Carwyn.
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantasyIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...