"Kumakain ka ba nito?" tanong ng babaeng kasama ko habang tinuturo ang mga pagkaing nakahain sa isang streetfoods stall. Tumango na lang ako sa kaniya. Mabilis naman siyang kumuha ng baso at stick, at binigay ito sa akin.
"Kumuha ka lang ng gusto mo. Ako na magbabayad," saad niya. Tumango lang ulit ako sa kaniya saka inabot 'yong baso at stick. Tinignan ko ang aking mga pamimilian.
May kikiam, fishball, tokneneng, kwek-kwek, at squid balls, pati na rin french fries. Tumusok ako ng limang maliliit na kwek-kwek at sampung fishball. Medyo malaki naman 'yong lalagyanan kaya ayos lang. Binuksan ko na 'yong mga sauce at pinaghalo ang matamis at maanghang sa hawak ko. Napangisi ako. Okay lang pa lang natapunan ako ng ice cream, libreng pagkain naman kapalit. Kailangan din naman ng sisidlan kong 'to ang pagkaing pang mortal.
Pagkatapos magbayad ni... hindi ko pa pala alam ang pangalan niya, inaasahan kong iiwan niya na ako pero hindi. Sinundan niya pa ako sa bench na kinauupuan ko kanina at tumabi sa akin.
Sumubo muna ako ng isang fishball bago tumikhim. "Salamat nga pala rito..."
"Coreen. Coreen Jeanne Eclipse ang pangalan ko. Ikaw?" pagpapatuloy niya.
Eclipse? Sa pamamalagi ko sa rito sa mundo ng mga mortal, ngayon lamang ako narinig ng ganoong apelyido. Sobrang kakaiba.
"Aurora," tipid na tugon ko.
Parang nagningning naman ang mga mata niya nang marinig niya ang pangalan ko. "Ang daming R!"
Napatango-tango na lang ako at kumain ulit. Hindi ko na siya kinausap pagkatapos. Wala rin naman kasi akong masabi at hindi kami magkakilala.
"They say it's better to open up with strangers because their opinions are unbiased and honest."
Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang magsalita at nakita ko na sa malayo siya nakatingin. Ako ba ang kinakausap niya? Bakit no'ng kumain lang siya ng street foods ay nag-iba na ang timpla ng mukha niya? May lason ba ito?
"I mean, their statements are free from judgment because they don't know who you are," dagdag niya saka tumingin sa'kin. Gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. "What can you say?"
Lumunok muna ako bago tumugon, "Hindi ka mali."
If she's asking me if she can open up with me, I'm fine with that. Sa likod rin ng isipan ko, pwede ko rin siyang gamitin para makakain ako ngayong araw, bukod sa libreng pagkain na ibinigay niya sa'kin kani-kanina lang.
Sinimot niya muna ang fries bago siya magsalita, "Nakikita mo ba 'yong babaeng nandoon sa restaurant at may mga kasamang barkada?" saad niya at tinuro ang kainan na nasa tapat ng convenience store. Sandali akong napasulyap kay Raphael na na-stuck na sa haba ng pila. Nagkataon atang maraming andoon nang pinabili ko siya ng kape. Agad ko rin namang tinignan ang tinuturo ni Coreen pagkatapos kong makita si Raphael. "'yong naka-pink na off shoulder."
"Anong meron sa kaniya?" tanong ko. Medyo mabagal bago tumugon 'tong kasama ko pero pinagpatuloy niya pa rin naman.
"I slept with her."
"And?" tanong ko at ibinalik ang tingin sa kaniya. Nanlaki ang mga bilugan nitong mga mata habang nakataas ang parehas nitong kilay na para bang gulat na gulat. Tinagilid ko ang ulo ko sa pagtataka. "Bakit?"
"H-hindi ka nandidiri?" tanong nito.
Nagkibit-balikat ako at kumain ulit ng tokneneng. "Bakit naman? Kasi parehas kayong babae?"
"O-oo," rinig kong tugon niya. Sinulyapan ko siya at nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin. Huminga siya nang malalim. "I hope everyone's like you. You don't even look at me with disgust."
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantastikIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...