Chapter 07: Rainy Sunday

894 63 46
                                    

AURORA BLANCO

Napatitig ako sa asul na karagatan habang hinahaplos ng malamig na hangin ang aking balat. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ako sigurado kung nakapunta na ako sa lugar na ito ngunit parang gusto kong huwag na lamang umalis dito.

"Huwag kang matakot."

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng tinig. Isang tinig na alam ko kung sino ang nagmamay-ari ngunit hindi ko matandaan ang kaniyang ngalan. Lumingon ako sa aking tabi at nakita ko na naman siya. How many times did I see this man with his blurred face?

"Rory, alam mo namang kahit anong mangyari, nasa tabi mo pa rin ako, 'di ba?" dagdag niya pa at hinawakan ang kamay ko. Hindi katulad ng mga imaheng nakikita ko noon, naiilang ako sa pagkakahawak niya sa'kin.

Sino ba talaga siya?

"Pero, alam mo naman ang sitwasyon ko, 'di ba?" Biglang gumalaw ang labi ko't sinambit ang mga katagang hindi ko alam kung saan nanggaling. Pawang may sariling isip ang aking kamay nang kusa itong lumayo sa pagkakahawak nung lalaki at lumapat sa aking dibdib. "At hindi rin ikaw ang nilalaman nito."

Kahit hindi ko makita ang mukha niya, halata sa pagkuyom ng mga kamao niya ang reaksyon sa sinabi ko. Narinig ko siyang tumawa. Isang tawa na alam ko, minsan ko lang marinig.

"Rory, kahit buklatin pa 'tong dibdib ko, ikaw at ikaw pa rin naman," tugon niya. Tila ba sumabay ang paghampas ng alon sa pagpatak ng luha sa kaniyang hita.

Hindi ko maintindihan.

Ano ba 'tong mga nakikita ko?

Bakit parang kahit hindi ko siya kilala, gusto ko siyang patahanin at sabihin ang mga salita na gusto niyang marinig?

Subalit, bakit hindi ko magawa?

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong basa sa aking noo. Una kong nakita si Raphael na kabababa lang ng kaniyang kamay at pinapagpag ito sa katabi niyang planggana. Unti-unti akong bumabangon ngunit pinigilan niya agad ako. "Rory, humiga ka muna," pagpipigil niya. "Baka mabinat ka."

Kumunot ang noo ko. "Mabinat? Ano ako, nilagnat? Imposible 'yang sinasabi mo," giit ko at marahas na inalis ang telang inilapat niya sa aking noo. Napasinghal naman ako nang bigla akong naliyo. Shit. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"I used to be invincible to any kinds of diseases!" usal ko at ipinatong ang braso ko sa kanang hita ko saka ko hinilig ang aking ulo. Napapikit ako nang mariin. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Totoo ba 'to?

"Hindi ko rin alam, Rory," saad ni Raphael. "Ayoko namang isipin na baka humihina na ang sisidlan mong mortal."

Pinatunog ko ang aking dila at sinandal na lang uli ang ulo ko sa unan. "It's not that easy," sambit ko at tinignan siya. "Any leads?"

Umiling siya "Wala pa rin."

Napakagat ako ng ibabang labi ko. "Bakit pakiramdam ko, imposible nating mahanap ang tumawag sa akin?"

Ilang taon na kaming naririto sa mundo ng mga mortal pero hindi ko pa rin mahanap kung sino ang tumawag sa amin mula sa baba. Hindi ko na rin matandaan ang kaniyang ngalan o mukha, o kung anong rason kung bakit niya ako tinawag; ni hindi ko rin maalala kung paano nga ba kami nagkahiwalay.

"Aside from eating Coreen's pain..." pag-iiba ni Raphael ng usapan. "...may nangyari pa ba?"

Ibubuka ko pa lamang ang bibig ko para sumagot nang bumalik sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin kahapon.

Pain ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon