Chapter 03: The Girl Next Door

1.4K 99 111
                                    

AURORA BLANCO

Sumalampak agad ako sa sofa pagkauwi ko. Hinubad ko ang kulay itim kong blazer na kasama ng uniform namin at sinampay ito. Sinandal ko ang ulo ko sa upuan ko at medyo niluwagan ang kulay berde kong necktie. Isinampa ko ang mga paa kong may medyas pang itim na abot tuhod sa may lamesa. Tumingin ako sa kisame at bumuntong hininga.

"Magluluto na ba ako ulit, Rory?" Napalingon ako kay Raphael nang bigla itong magsalita. Nakita ko siyang sinusuot pa lamang ang kaniyang asul na apron. Napatitig ako saglit bago ako umiling at sinenyas na maupo siya sa katapat kong sofa. "Dito ka muna. Pag-uusapan pa natin yung nakuha mo kahapon."

Hinubad niya naman agad yung apron at umupo sa may tapat ko. Pinatong niya ang dalawang braso sa may hita niya at pinagdaop ang mga palad sa gitna nito. Lumaylay agad ang itim niyang buhok sa kaniyang mga hita dahil sa bahagyang pagbaba ng kaniyang katawan. Humawak siya sa mesa kaya medyo inusod ko ang paa ko. May dinukot siyang mga kandila sa ilalim ng mesa at pinuwesto ito sa mesa sa pormang pabilog. Hinipan niya ang mga ito kaya sumilab agad ang kulay pulang apoy dito. Kusang gumalaw ang mga apoy at nagtagpo sa gitna ng bilog.

"Tignan mo," saad niya at tinuro ang namumuong hugis sa gitna. Medyo nilapit ko pa ang mukha ko para pagmasdan ito nang mabuti. Napasinghal ako nang malaman ko kung ano yung bagay na binuo ng mga apoy.

"Palaso."

"Andito ulit si Kupido sa bayan natin. He's doing rounds each month. Hindi naman siya magtatagal. Kailangan mo lang mag-ingat tulad ng dati," aniya. Pinatunog ko ang dila ko at ipinagkrus ang aking mga braso sa aking dibdib.

Isang masamang balita ito. Hindi kami maaring magsama ng Anghel na iyon sa iisang lugar. Ang hatid niya'y pagmamahal at ang akin naman ay kasawian. Magkaibang-magkaiba kami.

Tinignan ko muli si Raphael. "Kailan pa siya dumating dito sa Sierraville?"

"The day before yesterday." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Naalala ko kasi bigla ang pansamantalang pagtigil ng oras at pagpula ng paligid. Pati na rin ang boses na umalingangaw ng mga panahong 'yon.

Si Kupido kaya ang may gawa noon? Subalit wala naman akong makitang dahilan para hanapin niya ako. We're both ethereal beings and we definitely don't want to cross paths with each other at all!

"Bakit ka nakatulala riyan? Anong iniisip mo?"

"Raphael," pagtawag ko sa kaniya habang hindi pa rin siya tinititigan. "May napansin ka bang kakaiba noong umakyat tayo ng hagdan kanina kasama si Sir Dani?"

Lumandas ang pagkalito sa kulay pula niyang mga mata ngunit tumango pa rin siya.

"Hindi ko mawari pero..." saad ni Raphael at pinadaan ang palad niya sa mga kandila. Mabilis na namatay ang apoy mula rito. "...tumaas ang balahibo ko kanina."

Napabuga ako ng hangin, "So you didn't know."

"Ang alin ba?" tanong niya at nag-angat ng tingin. "Tell me what happened, Rory."

"The time stopped," pagsisiwalat ko. Sinuklian ko ang kaniyang mga titig. "Maging ikaw ay kasama sa pagtigil ng oras na 'yon at..." Tinitigan ko ang mga kamay ko. "...ako lamang ang natirang gumagalaw."

Hindi nagsalita si Raphael at taimtim na nakikinig lang sa'kin. Pinagpatuloy ko ang kwento ko, "May narinig din akong boses na nagsasalita. Sinasabi no'n na matagal niya na raw akong hinahanap at ngayon ay natagpuan niya na raw ako."

Nanatiling nakatitig sa akin si Raphael ilang segundo matapos kong sabihin sa kaniya ang nangyari. Kumunot ang aking noo. Walang lumalabas na salita sa kaniyang bibig at ang mga mata naman niya'y blangko lamang na para bang may iniisip.

Pain ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon