AURORA BLANCO
"Please, leave me alone," saad ko kay Dabria nang sinundan niya pa ako sa banyo na pinasukan ko mula sa Speech Laboratory. Nakita ko ang pagdadalawang-isip sa kulay dilaw niyang mga mata at ang pagkagat ng ibaba niyang labi na parang ayaw niya talaga akong iwan.
Napapikit ako nang mariin at pinigilan ang sarili kong mainis. "Leave."
Narinig ko siyang tumikhim, "Okay. I'll just wait out—"
"No. Umalis ka na," pagpuputol ko at idinilat ang mga mata ko. Matalim ang titig ko sa kaniya nang magsalubong ang mga mata namin. Tila nagulat pa siya sa nakita pero walang pasabi na rin siyang umalis at sinara ang pinto. Ni-lock ko naman agad 'yon at sumandal doon.
Napatingala ako sa kisame. "Ano ba 'tong nararamdaman ko?" bulong ko sa hangin at inilapat ang kamay ko sa aking dibdib.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong kakainin mula sa loob. Napahawak ako sa buhok ko at napasabunot na lang. Ano bang meron sa tula ni Raphael? Bakit ba ako apektado? Bakit ako umiyak kanina?
Bakit parang pakiramdam ko, nasasakal ako?
"Calm down," pagkakalma ko sa sarili ko. Iba ang badya ng mga emosyon ko ngayon; naghahalo-halo sila sa aking dibdib. Parang gusto nilang sumabog.
Napapikit ako at lumitaw sa isip ko ang isang senaryo na nakita ko na noon.
Asul na karagatan, malamig na haplos ng hangin, at isang lalaking hindi napapagod akong suyuin—naririto na naman ako sa panaginip na ito.
"Huwag kang matakot." Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako inaabisuhan nang ganito.
"Rory, alam mo namang kahit anong mangyari, nasa tabi mo pa rin ako, 'di ba?" Iniwas ko agad ang kamay ko para hindi maglapat ang aming mga kamay. Kaparehas pa rin ang nararamdaman ko gaya ng una kong pagkakakita sa senaryong 'to. Hindi pa rin ako komportable na andito siya.
"Pero, alam mo naman ang sitwasyon ko, 'di ba?" sambit ko at nilapat ang kamay ko sa aking dibdib. "At hindi rin ikaw ang nilalaman nito."
Parehas na reaksyon ang nakita ko sa kaniya. Kahit malabo ang kaniyang mukha, bakas ang selos at tampo sa pagkakayukom ng mga kamao niya. Napaiwas nalang ako ng tingin bago niya pa sabihin ang mga katagang narinig ko na noon.
"Rory, kahit buklatin pa 'tong dibdib ko, ikaw at ikaw pa rin naman," tugon niya.
Napapitlag ako nang hinawakan niyang bigla ang kamay ko at unti-unting humarap sa akin. Napasinghap ako nang unti-unti nang lumilinaw ang mukha niya.
"Rory!"
Agad akong napadilat nang may kumakalampag na ng pinto na sinasandalan ko habang tinatawag ang pangalan ko. Huminga ako nang malalim.
"Rory! Please, mag-usap tayo."
Umikot ako at hinawakan ang doorknob. Saktong pagpihit ko nito ay ang pagsunggab sa akin ng kung sinumang nasa kabilang dako ng pinto.
"Sabi sa akin ni Dabria, bigla ka raw umiyak at nag-walk out. Okay ka lang ba?" walang gatol niyang sambit habang nakayakap pa rin sa akin. Bigla namang nagmanhid ang dila ko at hindi agad nakatugon. Binitiwan niya ako saka hinawakan ang magkabilang kong Balika
"Ayos ka lang ba?" tanong niya ulit. Napatitig ako sa kulay pula niyang mga mata at napaiwas ng tingin.
Ngumisi ako at tinapik ang mga kamay niya. "Sino ka ba para hawak-hawakan ako? Familliar lang naman kita, 'di ba?" may diin kong saad. Medyo napaatras siya sa narinig at parang hindi makapaniwala sa naging reaksyon ko. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko siyang nasungitan dahil wala naman talagang kaso sa akin kung pinapakita niyang nagaalala siya, pero sa ngayon, pakiramdam ko ay hindi tama 'yon.
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantasiIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...
