Chapter 09: Nexus Hearts

752 57 20
                                        

AURORA BLANCO

"It's nice to meet you too in person, Dabria," paggaya ko sa tono niya. Hindi ako pwedeng matinag sa presensya niya ngayon. Who cares if she's the Angel of Death? I'm a Demon and it's normal to clash with these creatures ever since the beginning of times. They're my natural nemesis.

"Pain Reaper..." saad niya at pinasadahan ang mukha ko ng tingin. "How long can you keep this up, hmm?" dagdag niya pa saka pinadulas ang daliri niya sa mukha ko. Hinawakan niya rin ang buhok ko at inamoy-amoy ang mga hibla nito. Hindi ko maiwasang kilabutan sa ginagawa niya.

"Now that you are aware of what I'm doing with my victims, are you going to kill me?" may diin kong saad. Bumalik naman ang tingin niya sa mukha ko at tinitigan ako sa mga mata.

Her coffee-colored eyes dilated and turned yellow, "Hinahamon mo ba ako?"

Ngisi lang ang itinugon ko sa kaniya. Kung gusto niya ng laro, ibibigay ko 'yon sa kaniya. Tignan natin kung sino ang unang matitibag.

Ipinikit niya ang mga mata niya at ngumisi. Bumalik ito sa dati nitong kulay na parang sa kape. Hinawi niya ang buhok niya at tumingin ulit sa akin. "Huwag kang mag-alala," saad niya. "Hindi ako gagawa ng anumang kilos sa ngayon. Pero..."

Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at hinila ako papalapit sa kaniya sa pamamagitan ng paghapit ng bewang ko. "The safest path that you can take is with me."

Tinulak ko siya papalayo at tumawa lang siya. "See you around, Aurora," saad niya at kumindat pa bago naglakad papalayo kasabay nang pagdapo ng isang paru-paro sa kaniyang balikat. Nagawa ko na ring maigalaw ang aking katawan nang tuluyan na siyang makaalis. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako sa gitna ng eskinita. Napahawak ako sa dibdib ko at ang lakas ng tibok nito. Hinabol ko rin ang aking hininga at napansin ang sandamakmak na butil ng pawis na tumutulo sa aking katawan. Lumingon ako sa dinaanan ni Dabria at hindi ko na siya nakita pa.

Huminga ako nang malalim at napalunok. Dabria almost had my neck if I'm not careful. Masyadong malakas ang presensya niya na kahit parehas kaming kakaibang nilalang, nagawa niya akong sindakin. Hindi ko alam kung paano ko siya naharap kanina pero mabuti na lang at wala siyang napansin na kahinaan sa 'kin.

Sumandal ako sa pader at inisip muli ang huling sinabi ni Dabria sa'kin.

"The safest path that you can take is with me."

What does she mean by that? There's no way in hell that I'll surrender myself to an angel!

Dahan-dahan akong tumayo at pinagpatuloy na ang paglalakad tungo sa dorm namin nang makuha ko na ulit ang lakas ko. Nakakaasar. Una si Kupido tapos ngayon naman, si Dabria. Dalawang anghel na ang naririto sa siyudad ng Sierraville at wala pa akong ideya kung paano ipagtatanggol ang sarili ko at si Raphael. Bakit ba sa lahat ng lugar sa mundo, dito pa sila napadpad? Niloloko ba ako ng tadhana?

"Saan ka galing? Parang natagalan ata uwi mo?" bungad sa akin ni Raphael pagkarating ko sa dorm namin. Bumagsak ako sa sofa at napahilamos sa aking mukha. Naramdaman ko naman agad ang pag-upo niya sa tapat ko. "Rory, ayos ka lang?"

Tinignan ko siya at sinandal ang likod ko sa sofa. Tumingala ako sa may kisame. "Ayos lang. Sadyang napagod lang talaga ako sa pinaggagawa ko para sa roleplay namin," pagsisinungaling ko. Naramdaman ko ang titig sa akin ni Raphael na para bang inaalam niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Patuloy lang akong nagpanggap na parang wala lang sa'kin ang mga titig niya hanggang marinig ko siyang bumuga ng hangin.

"O siya, nagluto na ako ng hapunan. Kumain ka na lang kasi gagawa pa ako ng Sci Paper sa kwarto," aniya na tinanguan ko lang. Umayos na uli ako ng upo habang siya naman ay bumalik sa kaniyang ginagawa.

Pain ReaperMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon